Wala kang space na hinahanap, wala karin oras na kailangan.
Kung hindi mo ako gusto okay lang hindi naman ito sapilitan.
Marami daw iba dyan pero mananatili ako sa matagal ko ng hinahangaan.
Laiitin at balewalain niyo na ako, 'wag niyo lang ipagkait ang aking kagustohan.
____
Bakit kung kailan nagsabihan na ng totoo, lumalabas ang mga iba't ibang tao?
Quarantine tayo ngayon pero lumalabas sa inyo ang tunay niyong pagka-tao.
Ilang beses kong uulitin na may sarili siyang desisyon at ginusto ko 'yon irespeto.
Palibhasa wala kayong respeto sa mga sari-sariling mahal niyo.
____
Pakiusap na 'wag niyo akong ikumpara sa iba na kapag hindi pinayagan ay biglang mag-iiba ang pananaw ko.
Kung si Paula lang rin naman ang magsasabing "hindi" edi tatanggapin ko ito.
Para saan pa ang mga tula ko?
Sinulat ko lahat ito dahil ang nararamdaman ko ay mas totoo pa sa buo niyong pagkatao.
_______________________________
Author's Note: Bakit napaka-hirap ng pag-ibig?

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...