12th

16 1 0
                                    

Kinakabahan na ako sa aking mga ginagawa.

Sunod-sunod na pagreact sa posts mo, baka nga ika'y nakakahalata.

Kinakabahan ako baka isipin mo na may gusto ako sa'yo Paula.

Kinakabahan ako kasi yung naiisip mo ay tama.

____

Para akong maca-cardiac arrest sa mga kaganapan.

Parang nararamdaman ko narin ang aking katapusan.

Ang isip ko'y napupuno na ng mga katanungan.

Nalilito na ako pero pilit ko parin linalabanan.

____

Bakit ba kasi sobrang kahanga-hanga mo?

Hindi man nga ako nahihirapan magsulat ng tula dahil ang dami ng gusto kong sabihin sa'yo.

Sandamakmak na ang tula na naiisip ko dahil ikaw ang inspirasyon ko.

Siguro naman habang quarantine, maisasaad ko rito ang gusto kong sabihin no?

_______________________________
Author's Note: Gustong-gusto ko na siyang kausapin, gusto ko ng magsimula. Gusto kong umamin, pero alam kong patungo lang ito sa wala.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon