Alam mo naman na hindi ko kayang basta-basta bitawan.
Pero mayroon parin akong mga oras na ayaw balikan.
Kasi kung ang pag-amin ko ang gumugulo sa akin isipan...
...sana pala 'di na ako umamin kung ganito rin ang kalalagyan.
____
Pero 'di importante ang mararamdaman ko.
Uunahin parin kita kahit mayroon ng taong magmamahal saiyo.
Uunahin parin kita kahit nahihirapan na akong sumalo.
Kasi sa pitong taon na 'yon, hindi ko naman 'yon ginawang biro.
____
Kahi umulan ng problema araw-araw sa aking mundo,
Hindi ko papayungan ang nararamdaman ko.
Ipapakita ko parin na kahit masaya ka sa iba, suportado parin ako saiyo.
Magjowa man o mag barkada, tuloy parin ang ipinangako.
_______________________________
Author's Note: Sparkle.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
ПоэзияDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...