Gusto ko ng marinig ang boses mo.
Kantahan mo naman ako oh.
Kahit walang feelings ang pagkanta, masaya na ako.
Basta sana piliin mo ang kanta na may masasakit na liriko.
____
Hindi ako makuntento.
Gusto kong maramdaman ang sakit na nanggaling sayo mismo.
Gusto kong matauhan para hindi na ako umasa sa "tayo."
Gusto kong ispin na mayroon ngang "tayo."
____
Kung bibigyan mo man ako ng pagkakataon dahil ika'y naawa...
...wag na.
Sana kapag nahulog ka nga saakin, yung mahuhulog ka lang ng kusa.
Pero sa katotohanan na nahulog ka sa iba, suportado ako sayo. Basta't ika'y masaya.
_______________________________
Author's Note: Hinding hindi ko kakalimutan ang kasiyahan mo.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...