Nakapag-usap na tayo.
Sa tagal kong ginusto ito, nakapag-usap narin tayo.
Tumatagal nang tumatagal, talagang nahuhulog ako.
Kung ganito rin pala ang alam kong mangyayari, matagal ko na sanang ginawa ito.
____
Mga reaksyon, mga tawa, at may puso sa mensahe.
Mga ngiti, mga paguusap at ang hindi ko pinagsasawaan na imahe.
Mga bati sa umaga at ang mga bati sa gabi.
Hindi ko mapigilan ang saya lalo na kapag naiisip ko'y sayo ay wala akong ka hati.
_____
Nakakatakot dahil baka hindi ito mag-tagal.
Nakakatakot na baka sa huli, ako lang ang mananatili na mag-mahal.
Nakakatakot dahil baka napaka-laki ng aking sinusugal.
Pero lalakasan ko ang loob at hahayaan mangyari ang maaring mangyari kahit magmukha akong hangal.
_______________________________
Author's Note: Nabasa niyo?! Nagusap na kami! Ang saya ko na parang gusto kong maghugas ng plato.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...