Hindi masama ang ugali mo, sadyang hindi mo lang ako lubusan na kilala.
Pa'no mo nga naman lalapitan ang estranghero na bigla nalang lumitaw hindi ba?
Hindi kita masisisi kung ang desisyon mo ay ang magkulong o lumapit sa iba.
Sana tandaan mo nalang na kapag ako ang gusto mong kausap, nakahintay lang ako kahalo ng mga madla.
____
Maghihintay ako, pero hindi sa paraan ng pagsagot mo.
Maghihintay ako na lapitan mo ako sa mga problema na madadaanan mo.
Handa naman akong tumulong basta makatulong lang ng sapat saiyo.
Kahit di sigurado, maghihintay ako kahit saan man naka-pwesto.
____
Grabe 'no? Kalahati sa dami ng tula ay kwento kung bakit kita gusto.
Ang natirang kalahati naman ay suporta nalang bilang kaibigan mo.
Kahit na may dalawang side ang buo nitong porsyento...
...asahan mo na isang daang porsyento parin ang pag-hanga ko sayo.
_______________________________
Author's Note: Taguro.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...