May luha ang bawat bitaw ng letra.
Isipin mo man na saglit lang tayong nagkasama pero simula SNA palang, iba na talaga.
Oo, napaka bully ko nung araw na iyon kasi sa sobrang bata ko, hindi ko alam kung ang nararamdaman ko'y pano ko ipapakita.
Dumaan ako sa iba't ibang binibini pero mistulang wala talaga.
____
Siguro marami ngang nagbago.
Sana pati naramdaman ko'y naglaho.
Ang tagal, sobrang tagal bago ko nasabi saiyo.
Pero grabe pala ang layo ng agwat natin hindi lang sa talento.
____
Kung may pagsisisi man ako, sana pala pinakita ko nung grade 5 ang nararamdaman ko.
Kahit bonjing ako noon, sana nag try man lang ako.
Kasi kung ang agwat na ito ang nakakapigil, well, solid talaga pagsisisi ko.
Pero alam naman natin dalawa na hindi lang agwat ang naging hadlang dito.
_______________________________
Author's Note: Send help, nakakabaog ang quarantine tas hindi niya pa ako pinapansin.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...