Napunta na ako sa punto na ayaw kong humanap ng iba.
Maraming iba pero mas iba ang 'yong angkin na ganda.
Maraming iba pero sa boses mo lang ako namamangha.
Kaya nakakalungkot kapag nalaman na napunta ka lang sa iba.
____
Kahit gaano kita i-idolo, wala akong laban kung may iba kang gusto.
Kahit gaano ko pakita ang aking pagmamahal, walang kwenta kapag sa iba hinanap 'to.
Sa ngayon, sinusulit ko na yung oras na ikaw palang magisa sa picture mo.
Kasi alam ko darating din ang araw na makikita ko ang picture "niyo."
____
Maraming iba, pero sa'yo lang masasaktan.
Maraming rason para umalis pero ikaw parin ang pilit na pupuntahan.
Maraming nagsasabi na huwag nalang ikaw, pero hindi ko nalang pakikinggan.
Para kahit anong mangyari, masasabi ko na ikaw lang naging laman ng puso't isipan.
_______________________________
Author's Note: Bakit ba nakakabaliw siya ng sobra?
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PuisiDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...
