Simula ngayon, gagawin ko ng normal ang aking mga gawa.
Hindi na ako magiging deretsyo sa mga kahulugan ng aking salita.
Kung dati'y wala akong tinatago, ngayon magiging sikreto ang bawat tula.
Dahil hindi mo na dapat pang malaman ang mga nangyayari sa paningin ng kabila.
____
Ipapabasa parin saiyo, pero gusto kong paisipin ka ng todo.
Ayaw kong malaman mo ang mga nabubulok na sikreto.
Sapat na ang isang naibunyag, pero maraming naipon sa loob ng taong una hanggang pampito.
Imposibleng maging isa lamang ang pighati o saya na mararamdaman ng isang tao.
____
Tumigil ka man magbasa, umabot ka man sa punto ng dulo o simula.
Hindi kita pipilitin na imulat ang iyong mga mata.
Hahayaan kita sa sarili mong kagustohan, sumigla ka man o magsawa.
Pero katulad ng mga masisipag, sisiguraduhin ko na may regalo ang bawat numero na iyong makikita.
_______________________________
Author's Note: Kailangan matuto kahit marami tayong kailangan ibago.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PuisiDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...