Sulat ko na pula, tumugma sa kulay ng dugo.
Matagal na pag-iisip at pag-uunawa na ang mga binibigay ko.
Sa bawat tula na mukhang minadali, ang daming salita na nakatago.
Dahil ang bawat saloobin ay binuhos pero hindi natanggap dahil walang gustong tumanggao nito.
____
'Di ko alam kung anong naisip ko at nababasa ito ng ibang tao.
Kung tutuusin lamang, dapat si Paula lang ang makakabasa nito.
Dapat siya lang ang binibinibg may karapatan na makaunawa nito.
Pero napatunayan ko na hindi sa lahat ng bagay, ay kailangan lang para sa isang tao.
____
'Wag niyo sana akong isipan ng masama.
Wala parin akong balak na sukuan siya.
Isipin niyo kung paano ko binuhay ang sarili ko gamit ang mga tubo at pira-pirasong bala.
"Ang bawat laban ay hindi mo matatawag na pagkatalo, hangga't hindi pa natatapos ito."
_______________________________
Author's Note: Ima kara iku yo (今からいくよ)
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoesíaDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...