5th.

25 2 0
                                    

Bakit kailangan ko ng rason kapag kakausapin kita?

Kailangan ko munang mag-isip ng sasabihin para lang ma-message ka.

At katapos, balik nanaman sa wala.

Uulitin nanaman ang cycle para lang ako'y sumaya.

____

Mahirap lalo na ang saya ko'y matatagpuan sa'yo.

Mahirap dahil alam kong hanggang tingin nalang ako.

Napaka hirap dahil alam kong hindi ka interesado.

Mahirap, sobra, pero hindi ko mapilit ang sarili ko na sumuko.

____

Ayaw kong dumating sa araw na ako'y iyong sasabihan.

Sabihan na kailangan kong tumigil kasi wala naman itong patutunguan.

Kailangan kong maghanap ng ibang kasiyahan.

Kasi alam ko, na yung rason ko, hindi gagana sa isang babaeng may ibang nagugustuhan.

_______________________________
Author's Note: Ang sakit kapag hindi ka gusto, pero kung hindi pa alam ang sagot, huwag na munang mag-isip ng kung ano-ano.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon