Nararamdaman ko nanaman ang dati kong sinubok.
Parehas na karamdaman nung iniwan ako na parang basurang nabubulok.
Parehas na sakit na parang wala ng gamot na maiaalok.
Parehas na lungkot na parang kasiyahan ay sumabay paalis sa usok.
____
Alam ko kung ano ang haharapin ko sa pinasukan ko.
Alam ko naman na malabo karin sakin na magkagusto.
Kaya hinahandaan ko narin ang sarili ko sa sakit na maari kong matamo.
Siguro sapat na para saakin ang hangaan ka kahit ika'y malayo.
____
Kahit hindi mo na ako replyan o i-seen.
Kahit hindi mo na ako hanapin, kapalit hindi na kita kukulitin.
Kahit hindi mo na ako aalalahanin.
Alam ko pinasukan ko, kaya kung saan ako dapat lumugar ay alam ko rin.
_______________________________
Author's Note: Tandaan, kapag may hinahangaan, kahit anong klase man 'yan, maging kunteto ka basta't siya'y masaya at malayo sa kapahamakan.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...