7th.

22 2 0
                                        

Ikaw ang maganda, ako ang taga-hanga.

Ikaw ang atensyon, ako ang madla.

Ikaw ang boses, ako ang tenga.

Ikaw ang papana, at ako ang magpapatama.

____

Sino tayo sa buhay ng isa't isa?

Pipiliin mo bang tawagin "tayo" bilang dating magkakilala?

Sino tayo sa paningin ng iba?

Mga estranghero na biglaan ng nagkakilala ng sila'y tumanda?

____

Ikaw ang sino, ako tayo.

Ikaw ang magpapagaan, at ako ang sasalo.

Ikaw ang solusyon ng bayan, at ako ang problema ng mga tao.

Ikaw ang lahat Paula, dahil sa konti na mayroon akong mabibigay, ibibigay ko parin lahat sa'yo.

_______________________________
Author's Note: Kung sino pa ang malayo at malabong makamit, siya pa ang iyong hahangaan at mamahalin.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon