38th

6 2 0
                                    

Bakit kaya?

Bakit kaya wala pang nangyayaring maganda?

Pwera sa pagdating ni Paula, nawala rin kasi alam ko aalis din siya maya-maya.

Wala pa naman nagtagal sa buhay para talaga maging aminado akong masaya.

____

Hindi ko sinasabi ito para magmakaawa.

May buhay ako, may buhay rin siya.

Sari-sariling pamamaraan lang 'yan kaya wala tayong magagawa.

Lalo na kung hindi talaga tayo gusto, lalo na kapag pinagti-tripan lang tayo ng tadhana.

____

"Okay lang 'yan, gasolina naman sa pagsusulat 'di ba?"

Panay na sinasabi saakin para ipa-alala na hindi ako nag-iisa.

Panay sinasabi saakin na magiging okay din ang lahat at mawawala rin ang problema.

Pero Paula, kung ikaw ang problema, ayaw kitang mawala.

_______________________________
Author's Note: If a serial killer is chasing you, you're both running for your lives.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon