Maitutulad kita sa bus, saglit ka lang naman nanatili.
Umalis agad pero at least ako'y iyong napangiti.
Hindi ko man masakyan ang byahe mo, at least ako'y iyong naging pasahero.
Sapat na para saakin yung nakasama kita kahit ilang araw lang ito.
____
Patuloy nalang kitang hihintayin sa aking kinarorooan.
Kahit alam ko na hindi na titigil dito ang byahe mo sa aking tinatayuan.
Pipikit nalang ako at papakinggan ang tunog ng malayong sasakyan.
Para sa ganitong paraan, masasabi ko na hindi kita iniwan.
____
Hindi ko na titignan ang tanawin at maglalakad nalang ng naka-yuko.
Ayaw kong masilaw sa ibang kagandahan kasi gusto kong mabulag sayo.
Maubos man ang mga diamante sa aking bungo...
...makita lang kita, parang nasilayan ko narin ang lahat ng kayamanan sa buong mundo.
_______________________________
Author's Note: What's the call?

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...