Sana hindi pa nangangawit ang isip mo kakabasa.
Kahit bigyan pugay mo nalang ang effort, tutal baka iyon lang ang mahalaga.
Pero kung tatanungin mo ako, sasagutin naman kita.
Kahit hindi mo makita ang halaga ng aking tula basta ako lang sana ang makitaan mo ng halaga.
____
Hindi pa ako naumay mag kwento.
Sinong tao ang mauumay sa taong nagugustohan nito.
Pero ikaw? Umay na umay kana siguro.
Ang kaya ko nalang gawin ay suportahan ka sa taong gusto mo.
____
Sa totoo lang, ang swerte ng crush mo.
Lalo na't makakasama niya ang taong sa tingin ko'y perpekto.
Sana lang talaga punuin ka niya ng sapat na respeto.
Kasi kahit hindi ako kalakihan ng katawan, hinding-hindi ako uurong kapag may nambastos saiyo.
_______________________________
Author's Note: KRGSISBWISBSJS WALA NA AKONG ALAM SABIHIN
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...