71st

5 2 0
                                        

Sa maliliit na bagay mo ako tinamaan.

Ang mga ngiti na nakakasilaw at ganda na nakasanayan.

Mga tawa na nakahiligan at buong pagkatao na hinangaan.

Sa huli, mga piraso nalang ito na bumubuo sa aking kasiyahan.

____

Kung ang larawan ay sinasamba, ang boses ay dinadama.

Kung ang tawa ay kinakasaya, ang pagkatao ay rinerespeto at hindi ikinakahiya.

Ginusto kung sino ka, at kung ano ang gusto mong magawa.

Ikaw ang pinaka puro na tao na tinitigan ng aking mga mata.

____

Ang bawat oras na lilipas ay papanoorin.

Sa labas ng bintana, habang ang kwarto ay binabalot ng malakas na tugtugin.

Mula sa pagsikat ng araw, hanggang sa paglubog, ito na muna ang magsisilbing tanawin.

Hanggang sa pagmulat at pagpikit, tatanggapin nalang na ang ginusto ay di kayang abutin.

_______________________________
Author's Note: Siplean, forget.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon