Ayaw kong ipaniwala sa sarili ko na wala na talaga 'to.
Nauubusan ng pasensya ang pangalawa kong pagkatao.
Pati ang mga taong nakatira sa isip ko'y alam ang aking pagkatalo.
Kahit ang pangalawang ako ay nasasaktan dahil lumulusot ang mga tama mo.
____
Mga taong nagsasalita na ako lang ang nakakarinig sakanila.
Mga taong kahit maingay ang lugar ay makakabulong sila sa aking tenga.
Mga bulgar na salita at delikadong gawa ay saaking pinapaubaya.
Pero kahit ganito ako, kaya kong isantabi ang mga boses para lang marinig ko ang sa'yo Paula.
____
Hindi sigurado, pero ramdam ko na wala kang paki.
Kung mabasa mo ang mga tula na ito, tatapusin mo kaya hanggang sa huli?
Kung may bubulong din sa'yo na paniwalaan ako, makikinig ka kaya sa kanilang sinabi?
O baka katulad mo ako sa ginagawa ko sa mga tao ng isip ko, pilit mo lang ba akong isasantabi?
_______________________________
Author's Note: Voices in my head are getting too comfy damnnnn

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PuisiDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...