At this point of my life, marami na akong naranasan.
May taong nasaktan, may taong hiniwalayan.
Mababaw na rason na sagutan, may lalaking malapit saakin ang nasa kalangitan.
Sinimulang bugbugan, natapos ng duguan.
____
May pinagtanggol, may nagpasalamat.
Sa eskwela dati na pinupuntahan tinuring akong alamat.
Basagulero na hindi nagpapaawat.
Akala ko kinaganda ng reputasyon pero, wala naman saysay ang lahat.
____
Akala ko makakalimutan kita sa pamamagitan ng pag-away.
Akala ko bawat suntok na matatamo, ay mawawala ka kasabay ng aking malay.
Akala ko katulad ka ng mga sugat at pasa ko sa kamay.
Na kapag nagtagal, maalis ang sakit mag-isa ng wala akong ibang madadamay.
_______________________________
Author's Note: ...
![](https://img.wattpad.com/cover/220459485-288-k689620.jpg)
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoesieDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...