Asahan mo na kapag ika'y nangailangan, andyan agad ako.
Hindi mo na kailangan maghintay dahil tatawag ka palang, papunta na ako.
Hindi mo kailangan mag-alala kasi bago pa magkaproblema, may solusyon na agad ako.
Asahan mo na hinding-hindi kita papabayaan lalo na't pag naging tayo.
____
Wala pang tayo, pero loyal agad 'to
Wala akong paki kung gusto mong ikaw ang batas basta susunod naman ako.
Ang oras mo ang susundan, kahit ma late ka, maghihintay lang ako dito.
Hindi ako dadatingan ng inip dahil alam kong darating karin dito sa aking pwesto.
____
Kahit gaano katagal, hihintayin kita.
Sandamakmak man na problem ang umalon, lulusubin ko ito ng walang duda.
Kahit magsisimula palang ako at ika'y nasa dulo na...
...sisiguraduhin ko na aabot parin ako sa'yo, kahit mangalay man ang mga paa.
_______________________________
Author's Note: Dumating na ako sa punto na ibibigay ko lahat, makuha lang siya. Pero ang nakakatakot ay tatanggapin niya kaya ang kaya kong ibigay para sakanya?
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoesíaDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...
