Lumalabo ang paningin sa bawat larawan.
Ang nakasanayan na batian ay hinanapan ng tugmaan.
Nagiging pamilyar ang bawat babae na nadadaanan.
Pati sa ngiti, sa mukha, at boses kaya ang tenga'y tinatakpan.
____
Ang dating tugtugin na gustong naririnig ay nagpapadugo sa aking tenga.
Lumalalim ang bawat salita ng pinapakinggan na kanta.
Ang boses na dating pinapakinggan ay naririnig ko na sa iba.
Kumukupas na ang kahiligan sa paggawa ng liriko sa bawat kanta.
____
Paano makakatulog ang taong nakasimangot habang ang kabila'y masaya.
Ang tao ay nagkukunwari nakangiti habang ang kabila'y totohanan na.
Ang tao'y limitado ang oras habang kalayaan ang meron sa kabila.
Siguro sa magkasalungat ng tanawin ng dalawa, makakahanap parin sila ng paraan para magkita sa dulo ng storya.
_______________________________
Author's Note: Sana mabasa mo pa ito ng kusa.
![](https://img.wattpad.com/cover/220459485-288-k689620.jpg)
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...