42nd

6 2 0
                                    

Ang binalak kong masaya na quarantine ay unti-unting nawawala.

Mga gising ko na masaya ay mistulang nauuwi sa muta.

Mga oras na balak kong matulog ng maaga ay nareresulta sa tulog ng umaga.

Hindi naman sa nag-aadik ako pero kung babanggitin ko si Paula, baka nga.

____

Mahirap ang ngiti kapag ika'y nabalewala.

Yung isinantabi ka, yung hindi kaman mabigyan ng oras kahit wala siyang ginagawa.

Pero hindi ako pupunta sa punto na pipilitin ko siya.

Ako ang may gusto sakanya, hindi naman siya.

____

Paula, mas maganda kapa sa umaga.

Mas maganda kapa gabi kung saan nakadungaw ako palagi sa bintana.

Walang laban ang sandamakmak na bituin sa iyong ganda.

At kahit anong oras man ng araw ay araw araw kitang binibigyan ng hanga at halaga.

_______________________________
Author's Note: Tatlong lengguwahe ang alam ko, pero kahit sa tatlo na iyon, 'di ko maisaad ang nararamdaman ko.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon