57th

4 2 0
                                    

Kapag lumipas ang oras, lilipas din ang nararamdaman.

Sa 7 years, dapat lagpas 3 years na akong hindi lumalaban.

Ang daming oras na lumipas pero wala talab sa kagustohan.

Mas lumamang pa si Paula kaysa sa mismong orasan.

____

Kung ako lang tatanungin mo, okay lang saaking ang hindi maka move-on.

Kahit manatili pa akong in-love sakanya hanggang sa pansampung taon.

Wala naman problema saakin 'yon.

Alam ko naman na si Paula ang babaeng hinahangaan ko eh, anong mahirap doon?

____

Sa mundong hinihila tayo pababa, dapat manatili tayong nakatingala.

Kung magmumukmok tayo sa problema, wala tayong mararating o mapapala.

Katulad ng pitong taon, kung sa simpleng "hindi" ay susuko ako, para saan pa ang aking pag-hanga?

Paki-tandaan, hinangaan ko si Paula kahit noong 'di niya pa ako kilala.

_______________________________
Author's Note: Everybody's acting suspicious.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon