68th

4 2 0
                                        

Kamusta ka?

Sa mga oras ba na ito'y mayroon kapang naaalala?

Mga ganitong oras na mulat pa ang aking mata kakatingin sa mga shared post mo na tungkol sa iba.

Mga ganitong oras na ako'y puyat at malungkot habang ika'y natutulog ng mahimbing at masaya.

____

Kamusta na?

Sobrang bagal pero, nakakalimutan na kita.

Ang pag-ikot mo sa mundo ko ay kumukupas ng walang palya.

Hindi ko alam kung matatapos paba ang karamdaman na pagkahibang ko kay Paula.

____

Ano na? Kamusta ka?

Ikaw nalang ang tatanungin ko kasi bihira lang may magtanong sakin ng parehas na salita.

Ikaw nalang kakamustahin kasi ang konting "okay" mo, para saakin ay napakarami na.

Isipin mo sa mga oras na kakamustahin kita ay may bawat patak ng luha sa akong mga mata.

_______________________________
Author's Note: Sana naalala mo pa ako.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon