Napapaisip ako sa tuwing dadaan ang pangalan mo sa Facebook feed ko.
May mga bagay nga ba na dapat aminin o hayaan ko nalang 'to?
Kailangan ko bang mag message para mabigyan ng kasagutan ang mga tanong ko?
Pero isinasantabi ko nalang kasi takot akong umaksyon pagdating sa'yo.
____
Nakakalungkot na baka may pinalagpas ako na pagkakataon.
May masisimulan ba tayo kapag nag message ako ng oras na iyon?
May patutunguan ba ang aking mga aksyon?
Pero kahit meron o wala, patuloy parin akong mangangarap para saiyong atensyon.
____
Sa dami ng taon na lumipas, kumupas na kaya ang koneksyon nating dalawa?
Simula palang nung grade 4, araw araw naman tayong nagkikita.
Masamain ko man ang tadhana, alam ko na may rason ito kung bakit tayo nagkakilala.
Pero sa ngayon, isasantabi ko muna ang mga pala-isipan ko na ito pero hindi ko ibabalewala.
_______________________________
Author's Note: Nakakabaliw siya guys. Promise. Isa sa mga pinaka kahanga-hanga na binibining aking nakilala.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PuisiDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...