[2] Azura

151 5 0
                                        

Ako si Amalie Garcia, 18 years old. Grade 12 senior high at ito ang unang pagkakataong pag transfer ko sa ibang school kaya kinakabahan ako. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa gate. Dahil sa hiniling ko sa government ngayong taon, napunta ako dito sa sikat na University at matagal ko nang pinangarap ang makapag-aral dito na hindi ma-afford nila mama.

Hindi kame mayaman ngunit hindi naman kami mahirap. Kahit alam kong mahirap at parang nakokonsensya ako sa larong yun ngunit ginawa ko ito para tulungan ang sarili ko maging independent.

“Alie!”. Rinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito at nakita ang bestfriend ko na kumakaway sadi kalayuan. Ngitian ko siya at lumapit sa direction niya.

Isa din siyang player pero hindi niya alam kung sino ako dahil nasa rules nang game na bawal ipagsabi sa iba kung anong gamit na pangalan mo sa laro. Kilala niya si Azura ngunit hindi niya alam na ang kanyang bestfriend iyon, ako.

"huy". bati ko sa kanya. Siya si Ruth. Mayaman sila di tulad ko. Simula pa grade 10 pareho naming gustong mag senior high sa university na ito ngunit  dahil sa mahal ng tuition siya lang ang naka pasok sa eskwelahan na pinangarap namin. Pero ngayon nakahabol ako bago pa mag graduate.

Sa katunayan hindi niya alam kung bakit ako naka-pasok sa eskwelahang ito. Sinabi ko lang na nakapag ipon sina mama at pati narin ang pera na galing sa laro na inipon ko.

"I'll show you around!" pananabik niya. Ngumiti lang ako at tumango.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga nakikita ko. Hindi ko rin maalis ang mga mata ko sa mga estudyanteng dumadaan. Rooms, building, canteen, bench, Office, library lahat yan napuntahan namin at grabe ang mangha ko.

"Halikana, magsisimula na ang klase.." sabi niya habang hila-hila ako. Magka-klase kase kami. Humss ang pinili naming strand.

Nang huminto kami sa may pinto na may nakasulat sa itaas na 'HUMSS-A'. Nilunok ko muna ang laway ko bago pumasok. Shet! kinakabahan talaga ako. Ipinihit ni Ruth ang pinto at binuksan.

"Hi! Siya yung transferee natin ngayon. Siya si Amalie Garcia". Pakilala sa akin ni Ruth sa kanila. Kinaway ko sila at ngumiti. Gosh! Nakatingin lang sila sa akin ni wala man lang reaksyon ang mga mukha. Bantulot na akong napangiti dahil sa mga tingin nila. Awkard!

Dumating na ang guro kaya tumango na ako sa upuan ko na syempre katabi lang ni Ruth. Nagpakilala ako ulit dahil sa utos ng guro namin at matapos ay binigyan kami ng schedule namin.


Matapos ang klase nasa bench ako ngayon hinihintay si Ruth. Kaya nililibang ko muna ang sarili ko sa pag scroll ng facebook maraming mga post na nagpatawa narin sa akin hanggang sa bigla nalang may nagpop-up na announcement sa screen ng cellphone ko na sinasabi na.

you have new assigned virtual partner. Open to know more about him
_____________
Open| Later

Wala pang 2 months nung huli kong laro. Pero ngayon may bago na naman. Pinindot ko yung 'ok' kaya pumasok ito sa mismong site at nakita ang profile niya. Kahit dummy pictures lang ang nakikita ko feel ko talaga myterious siyang tao. At naiinis nalang ako sa paano siya mag fill up ng kanyang form.

Name: Black Wright
Age: 19
Hobbies: kill time
Type of player: nah! I'll just play my true self
Callsign: babebibobu
Dislike: calling me mysterious
Likes: calling me master
Defeated: 0
Win: 0
Ex Virtual Partner: 0
Player: Newbie
Message for your new virtual partner:
Hey, Azura what's your name? Joke. Hahaha well. Hindi ko akalain na ikaw ang maging partner ko. Please take care of my heart. Darling. No! take care of our heart.
Message me if you aren't busy. I'll be waiting.

"babebibobu?!". Bulyaw ko. Baliw ba siya? Ang haba or more like ang dami?
Pwede din naman kase maging..
Babe? Bi? Babi? Be?bu? Haystt ewan!

Sinabi ko ba kanina na myterious siya? Alam niya na ba na mukha siyang mysterious?

Calling you master? Not gonna happen!

At asking my name is prohibited. Salamat siya nilagay niya nang joke. Well, you should be the one who take care of your heart darling not me.

Hindi ko napigilang ngumisi dahil sa iniisip ko. 18 years old ako at 19 siya. Siguro na siya college na siya ngayon.

Agad ko namang binaba ang cellphone ko nang dumating na si Ruth.

"ba't ngumingisi ka dyan?". Tanong niya sa akin matapos ibigay sa akin ang isang boteng juice. Nagpasalamat muna ako bago sumagot sa tanong niya.

"wala natawa lang ako sa bago kong assigned Virtual partner". Ngisi kong sabi sa kanya.

"ah ganun ba". Tawa niyang sabi ngunit agad ding sumimangot at tumabi sa akin. "sayang gusto kong malaman kaso hindi pwede". Nguso niyang sabi at sumang-ayon naman ako. Gustuhon ko man pero hindi pwede.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon