"Amalie!". Nanumbalik na ako sa katinuan nang marinig ko ang tawag ni Ruth sa akin.
Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Nakita ko rin na hindi siya mag isa, kasama niya si Jack. Ang kaklase namin na may alam na ako si Azura. Binati ko siya at ganun din siya sa akin. Hindi ko akalain na makakasama namin siya ngayon.
Nang sinilipan ko ang dalawang babaeng naguusap kanina. Tumayo na sila at umalis. Binalin ko nalang ulit sina Ruth at Jack.
"Tara na?". Aya ni Jack. Hinila din ni Ruth ang kamay ko at niyakap ang braso ko. Umalis na kame sa parke at pumunta sa lugar na kung saan daw kami dadalhin ni Ruth.
Nasa pagitan ako ngayon nina Jack at Ruth habang naglalakad sa Mall. Ewan ko ba anong gagawin namin dito basta ang sabi ni Ruth mags-shopping siya at libre niya ang mga pagkain namin. Gusto niya kaming makasama dahil binigyan siya nang kanyang ama na 5k. Sana lahat gaya niya.
Naging magkaibigan narin kaming tatlo actually apat na kami kaso hahabol lang daw siya mamaya. At kapag nakarating na siya para talagang nag d-double date kaming apat.
Huminto kami sa may department store at agad na tumungo doon si Ruth.
Nilibot ko rin ang mata ko sa paligid.
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Novela JuvenilA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...