_____________________________________
A/N: In-vacation ang tawag pag pina off muna o ayaw mo munang tumanggap ng bagong virtual partner means naka rest pa ang acc mo.doon naman sa mga grupo: gang, fam, Sister/Brother hood bawal ka din mainlove sa ibang player liban assigned virtual partner mo. kung anong role mo sa grupo dapat gampanin mo
______________________________________Alam kong mawawala ang bago kong account matapos mashut down ang site kaya sinabi ko sa kanya ang isa ko pang account na ngayon naka-in vacation. Syempre yung luma kong account hindi naka-log in sa cellphone na ginagamit ko ngayon dahil dalawa ang cellphone ko. At sinabi ko sa kanya yung isang Role player ko. Si Kingsley. Ang ka level niya. Sabay kaming nakatanggap na award na Legend 2019at hiniling ko ay ang bagong cellphone kaya gumawa ako ng bagong role player gamit ang bago kong cellphone at pinahinga muna si Kingsley na kilala bilang King of player 2 years straight. Hindi pa ako naka- in relationship sa VR ng 5 months puro 3 months lahat. Kaya in 2 years 8 times akong nanalo kumpara kay Azura.
Sa katunayan bago ko palang sa VR pinaguusapan na si Azura bilang crown princess of player. Akala ko noon pinaguusapan siya dahil marami siyang connection liban sa pagiging crown princess niya pero nalaman kong wala pala ni-isa. Sinali ko lahat ng mga grupo, gang, fam o ano pa at nagkaroon nang mataas na position sa mga grupo na sinalihan ko kaya nagkaroon ng maraming koneksyon si Kingsley dahil lang sa nagbabasakaling makita siya. Pero wala. Hanggang sa hindi ko na namalayan na hinahanap ko siya at naging curious ako sa kanya. Nagka interesado ako sa kanya kaya tinanong ko ang mga kakilala ko tungkol sa kanya pero theorya lang nila iyon. Gusto ko siyang maging ka-virtual partner dahil na curious ako sa kung paano niya talunin ang mga lalake at kung madadala niya ba ako sa mga strategy niya na naririnig ko naman sa iba. Gaya na lamang ng mga mababastos na ginagawa niya para matalo ang lalake ayon sa iba. Hinahamon ko siya. Pero nalaman kong hindi pinapa-partner ang King and Queen of player ng mga government sabi sa akin ni Mel. Napansin niya rin daw na grabe mag special treatment ang government kay Azura at hindi daw ito alam ni Azura. Lahat pinapa-assigned sa kanya mga newbie player para daw maging Queen siya. Yun ang napapansin ni Mel. Kaya sinubukan kong gumawa nang bagong role player at gaya nga ng inaasahan ko newbie ang pinapa-partner sa kanya kaya pala ganun na lamang siya naging reyna. Hindi naman sana ako ang maging assigned partner niya kaso yung magiging assigned virtual partner niya, nasira ang cellphone kaya nung naging kapartner ko siya hindi ko sinisi ang mag log in sa bago kong cellphone dahil hindi ko sana ipakonek ang system ng cellphone ko sa government para sana may sarili akong privacy.
But I never underestimate her. Iniisip ko na matagal ko na siyang gustong maging ka-virtual partner kaya baka hindi pa umabot ng 3 months, mahulog na ako at hindi talaga ako nagkamali. Dahil nahulog ako sa kanya at dahil King of player ako na walang mga special treatment na galing sa government at gamit lang ang strategy ko nahulog din siya sa akin. Pero minsan pinapasalamat kong newbie ang pinapa-assigned sa kanya dahil kung hindi baka hindi kami magkatuluyan. Masaya ako dahil sumunod ako sa curiosity ko kaya nakilala at minahal ko si Azura.
Sa 3 months namin magkausap walang palatandaan o rason akong nakikita para i-special treatment siya ng mga government. Marami siyang walang alam na bagay na pwedeng gawin sa laro at nagulat ako doon. Lalo pa't nalaman kong ang hiling niya ay ang maka transfer sa isang private school. Akala ko mayaman siya kaya may special treatment siya. At sa pagkakaalala ko hindi madali ang humiling ng ganun kahilingan, ang mag transfer sa private school at ang government na ang nagbayad. Sinabi ko ito kay Mel at pati siya nagulat rin.
Hindi lang ito ang nakakagulat sa kanya. Pati narin ang mga pinapadala ko napapalitan lahat ng cover. Pero yung mga naging assigned virtual partner ko dati kung ano ang dinala ko, yun din ang natatanggap nila hindi na sila nagaabala pang palitan ito sa bagong. Pero siya nilalagay nila sa ibang lalagyan. Una una iniisip ko na baka dahil Queen of player siya. Pero nung may binigay siyang keychain sa akin walang cover o ano mang inaasahan ko pero nung ako nagbigay naka box na ito. Naalala ko rin nung ako pa si Kingsley walang ganito at tinanong ko rin yun sa dating Queen of player. Hindi binabalot ang mga gamit na pinapadala sa kanya.
So I thought there's something about Azura.
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Novela JuvenilA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...