August 30, 2020
“Arf!”. Paulit ulit na tahol ni Aki sa paanan ko.
“okay, sandali malapit na to”. Sabi ko sa kanya kahit alam kong hindi niya naman iyon naiintindihan. Matapos kong lagyan ng pagkain ang maliit niyang plato dumapa ako at nilapag sa sahig para kumain na siya. Pinagmamasdan ko lang siyang kumain.
Napangiti ako dahil siya lang ang ala-ala sa akin ngayon ni Black liban sa keychain, tuta pa naman siya pero hindi na siya tulad ng dati. Malinis at mas lalo na siyang tumaba. Fluffy din ang katawan niya dahil palagi ko itong iniinat sa tuwing nabo-bored ako. Sa tuwing namimiss ko si Black si Aki palagi ang kausap ko at sinasabi ng iba na nababaliw na daw ako. Porke't kinakausap yung aso baliw agad?
Napatawa nalang ako nang mahina. Unti-unti iyon pumawi nang maalala kong bukas ang katapusan ng agosto. Dapat sana kinabukasan magkikita na kami pero pesteng hacker na iyon nasira ang lahat. Siguro nga hindi na matupad ni Black ang mga pangako niya. Pero hihintayin ko parin siya dahil umaasa akong makilala ko siya.
Matapos niyang kumain tumahol siya ng isang beses bago pumunta sa cr. Ibig sabihin iinom siya kaya tumayo na ako para tumungo sa cr. Hindi niya naman kase abot yung balde kaya nilalagay ko ito sa tupper na walang takip na kung saan doon ko nilalagay ang tubig niya.
“Arf~”
“busog kana ba?”. Ngisi kong sabi at kinuha siya.
“samahan mo ako”. Sabi ko habang nakayakap sa kanya. Dinala ko siya sa loob ng kwarto ko at nilapag sa kama. Iniiling iling niya naman ang buntot niya sabay labas ng dila. Tinabihan ko siya, lumapit naman siya sa akin at dinalaan ang kamay ko. Napaka-sigla niya talaga. Matapos ang ilang segundo humiga siya sa kandungan ko. Marahan kong tinapik ang ulo niya at pinikit niya naman ang kanyang mga mata.
Nagpapasalamat ako dahil binigay siya ni Black sa akin. Sa tuwing namimiss ko si Black si Aki lang ang kausap ko. Siya lang ang meron ako ngayon kay Black. Kaya aalagaan ko siya ng mabuti at sabay namin siyang palalakihin ni Black.
Sabado ngayon at bukas linggo. Bukas magkita kami ni Jack dahil sabay kaming pupunta sa ate niya. Napagdesisyon kong kausapin ang ate niya dahil palaging gumagabag sa isipan ko kung ano ang nangyari sa ate niya noon at baka sakaling makatulong din siya sa akin tulad ng sabi ni Jack.
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Fiksi RemajaA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...