[92] Ancilha

38 4 0
                                        

Next Day..........

Napahawak ako sa balikat ko dahil sa pagod. Nakakapagod talagang mga pinapagawa nila sa akin ng school nato. I'm half American and half Filipino na pinanganak sa United States but after 9 years umuwi kami sa Pilipinas dahil hindi asawa ng mama ko ang papa ko. More like a mistress. Kaya tinaboy niya kami at naisipang dito nalang sa Pilipinas titira.

“bye Riah!”. Paalam sa akin ng mga kaklase ko.

“Bye!”. Sigaw ko. Ako nalang ang naiwan sa silid nato at pinasok kona ang mga gamit ko sa bag.

My name is Mariah Hope Dizon. Actually dala ko ang apelyido ni mama so parang magkapatid lang kame. 18 years old, Senior high student na nag-aaral sa isang public school.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko umalis na ako sa room at umalis na nang building.

“may gwapong outsider sa gate parang may hinihintay”

Rinig kong pinaguusapan ng mga babae na nasalubong ko. Well, karamihan sa kanila puro lalake ang ini-intindi pero hindi yan sa top priority ko.

Habang papalapit na ako sa gate mas marami akong nasasalubong na babae na pinaguusapan ang gwapong lalake daw sa gate. Bakit ba nila pinaguusapan yun? Ano yun artista?
Ayaw ko talaga sa mga lalakeng nagpapa-pogi points para lang makuha ang atensyon ng mga babae. I hate boys who's hitting on me.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa gate. Mas marami akong nakikitang grupo ng mga babae na sa iisang direksyon lang nakatingin. I just took a glance at the guy who's leaning back into the wall and then walk away. Lumabas na ako nang gate sabay liko sa kaliwang direksyon.

Siya siguro ang sinasabi nilang gwapo? Dahil sa kanya lahat nakatingin ang mga babae. Tssh! mukhang mayabang nga ang itsura.

Inayos ko ang suot kong salamin at tumayo sa gilid ng kalsada para maghintay ng jeep. Ramdam kong may lalaking tumayo sa gilid pero hindi kona pinansin.

“I never thought that the crown princess was totally opposite in real life”

Rinig kong sabi nang lalake. Ako ba tinutukoy niya? Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. At laking gulat ko nang makita sa harapan ko ang lalakeng naka sandal sa pader kanina. Nakasuot siya ng itim na sunglasses at puting damit na may hood at sleeveless ito kaya kita ang kanyang maskuladong braso at may suot din siyang dalawang stainless steel na necklace ang isa ay may ruby na pendant, ang yabang ng porma niya. And what annoyed me the most is his smile with smug manners.

I shot him with disgusted glance.

Tinanggal niya ang kanyang suot na sunglasses at nawala na ang kanyang mga ngisi. Ngayon kita ko ang malalim niyang mata at parang may may halo rin siyang tulad ko. Aaminin kong gwapo siya pero wala na akong pake doon. Ang yabang ng awra niya!

“what's with that look crown princess? You have no right to look at me that way. Because you're nothing but a low average crown princess with pretty face”. Mapang-uyam niyang saad.

Is he provoking me?

“sino ka?”. Patay malisya kong sabi. Ngumisi ulit siya at dahan-dahang humakbang papalapit sa akin kaya napaatras ako.

“let me introduce my self. you, heartless crown princess” diin niyang sabi.

May atraso ba ako sa kanya? At paulit-ulit niyang binabanggit ang crown princess. Baka may makarinig sa amin. Huminto ako pero humakbang parin siya kaya sobrang lapit na namin sa isa't-isa. Sinamaan kolang siya ng tingin.

“my name is Earl Vincent Mondragon. Or should I say Axel Grehn. My love” anas niya sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Axel Grehn.

Palihim akong lumigon sa likod niya at wala itong katao-tao. Kaya ang ginawa ko ay ang tinulak siya at mabilis na tumakbo palayo. Nahulog pa ang salamin ko ngunit hindi ko na pinulot. Buti nalang wala akong dalang mga libro ngayon. Mahilig pa naman akong maghiram sa library.

“Hoy!”
Rinig kong sigaw niya at hinabol ako kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Paano niya ako nakilala? Paano niya ako natunton?

Axel Grehn. Ang huli kong naging assigned virtual partner. Bago pa mag 5 months ang kunwaring relasyon namin natalo kona siya at wala pang 1 week may bagong assigned sa akin at nasa 3 days trial palang kami ng bagong assigned partner na shut down na ang site. Pero ngayon paano niya ako natunton?

Tumatakbo ako dahil ayaw ko siyang makaharap. Iihh! Nakakahiya at the same time nakakainis.

Rinig ko nanaman ang inis ng boses niya na sumisigaw sa akin kaya habang tumatakbo nilingon ko siya sa likod hanggang sa may nabangga ako. Isang babae na parang ka edad kolang. Agad akong humingi ng tawad at mabilis na tumakbo.

Bakit niya ako hinahabol? Seriously?!!

AMALIE GARCIA POV.

Nang makaalis na ang babaeng nabunggo ko pinagpag ko ang palda ko.

“Hey, anong nangyari?”
Rinig kong tanong ni Killian sa kabilang linya.

“wala, may nabunggo lang ako. Tumatakbo siya kaya hindi ko agad napansin”. Sagot ko sa kanya habang nakatapat ang cellphone ko sa tenga.

“anong gusto mo? Maraming meryenda dito. Habang hindi pa nakarating si Jules bibilhan muna kita nang makakain mo”. Sabi ko.

“talaga? Ahmm.. Kainin nalang kaya natin ang gusto. Yung ensaymada?”

Nakaramdam ako nang kilig sa sinabi niya kaya napangiti ako at hindi ko manlang mapigilan.

“Talaga? Sige, sandali lang. Bibili muna bye!”

“magingat ka, wag medyo madami ah”

“syempre nuh”

“sige, bye. Excited na akong makita ka ulit.”

“ako din”. Hina kong sabi. “bye, muah”. Matapos ay binaba kona ang tawag. Pinasok ko ang cellphone ko sa bulsa at tumungo sa bakery. Bumili ako ng limang ensaymada. Dahil malaki ito at nilalaway na ako.

Matapos ang ilang minuto dumating na si Jules na sakay ang kotse niya.

Naka-uniporme ako ngayon dahil kakagaling kolang sa eskwela at bibisitahin ko ngayon si Killian. Hindi kopa siya tinawag sa pangalan niya. Hindi parin ako sanay. Sinabi kona rin sa mga kaibigan ko lalo na kay Jack na nakita kona si Black. Pinakita ko rin sa kanila ang litrato namin dalawa. Hindi naman makapaniwala si Ruth at kinongrats lang ako ni Jack. Panay naman ang pasasalamat ko sa kanya.

“ano yang binili mo?”. Tanong sa akin ni Jules at saglit niyang tinapunan ng tingin ang hawak kong paper bag.

“kumakain kaba ng tinapay?”

“kumakain naman”

“bumili kase ako nang ensaymada”

“okay”
Tanging sabi niya. Matapos ang ilang minutong biyahe nakarating na kami sa subdivision nina Killian.

“pwede ba akong pumunta sa kusina?”. Tanong ko kay Jules.

Bumalin siya sa hawak kong paper bag at sa akin.

“sige”
Ngitian ko siya. “salamat” lumabas na ako nang kotse at pumasok sa bahay.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon