[40] Azura

38 4 0
                                    

Dahil tapos na ang exam namin kaya nakakapagpahinga na ako ng maluwag. Binagsak ko ang sarili sa kama at kinuha ang cellphone ko at tinapat sa harapan ng mukha ko.

Kamusta na kaya siya?

Hi? Musta try out?

Kala ko hindi na siya mag reply ngunit matapos ang ilang minuto biglang tumunog ang notification ko.

Hello,
natanggap ako.

Congrats.

Wala pa naman
yung laro eh. Haha

Congrats parin.

You can now
call each other.
-----------------------------
Tap to call Black
-----------------------------

Tila na estatwa ako. Kahit na inaasahan ko ito ngunit nasasabik ako ngayon. Napalunok ako ng mismong laway ko.

Black started
the call.
____________________
Answer | Decline

Hindi ko alam bakit, imbes na sagutin ang tawag niya bigla kong nabitawan ang cellphone nang tumawag siya. Pinanood ko lang mag ring ito. Bakit ba biglaan niya akong tinawag? Kinakabahan ako ewan ko kung bakit. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone at napalunok. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Gosh!

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon