[55] Black

38 5 0
                                        

One month left
before game ended.

Babebibobu<3

Azura sent a
voice message.

Pinindot ko ito para i-play.

"Go babe! Go sexy! Go sexy! Go sexy sexy love! Kaya mo yan. Isipin mo lang ako, mananalo na kayo yieehh".

Napangisi ako sa narinig kong voice message. At nag type na para i message siya.

Saan mo naman
pinulot yung
linyang iyon?
Sa mga ka-virtual
partner mo dati?

Hindi nuh,
galing yan sa
isang movie.
Ginaya kolang.
Ayos ba?

"Killian!.." napalingon ako sa pinto. "bilisan mo susunod na tayo". Sabi ng kasama ko. Tumango lang ako at umalis na siya.

Oo,
sigurado akong
mananalo kami.
I have to go

Kame na ang
susunod.

Sigeee..good luck
Babebibobu!!
I love you muah
muah chup chup.

Nakaramdam ako ng kiliti sa loob ko at hindi ko alam kung bakit pero masaya ako ngayon.

I shoot mo ang
bola sa ring ah,
wag sa iba.

Haha. Luh?

Ibig kong sabihin
sa ring niyo wag
sa ring nang iba!

Talaga lang ah.

Opo hehe.

Kinakabahan ako.

Kaya mo yan!!
Isipin mo
nagpapakitang
gilas ka lang sa
harapan ko.

Sige iisipin
ko yan. Nice idea

Ackkk!!
Good luckk!!
Sana manalo
ang grupo niyo.

Salamat.
I have to go

Byee. Goodluck!

Sige. Love you.

I love you tooooo.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga sinasabi niya. Matapos ang huli niyang message nilagay ko na sa bag ko ang cellphone. Nag stretching muna ako bago lumabas nang locker.

Nang makapasok na ako sa loob nang gym nalulula ako sa dami nang tao at mga hiyawan nila. May sumisigaw sa grupo namin meron naman sa iba. Napunta ako tingin ko sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

"Go Kill! Go Kill! Kill them All!". Sigaw nina Ian at Sheena. Hindi ko nakita si Mel siguro may binili lang siya. Wala na akong pake doon.

"ipakita mo sa kanila ang totoong hari!!" natigilan ako sa sigaw ni Rick. Nakita kong agad na siniko ni Sheena si Rick at bantulot na napangiti sa iba si Sheena. Umiling nalang ako at bumalin sa mga kasamahan ko para mag warm up.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon