Nang pinindot ko ang green buttom. Tumambad ang dummy pictures niya at pangalan. Tinapat ko ang cellphone sa tenga ko.
"h-hello?". Bati ko sa kanya. Ngunit wala akong narinig na ingay sa kabilang linya kahit na boses niya hannggang sa..
"Psh". Rinig kong umalik-ik ito sa kabilang linya.
"w-why?". I stuttered. Gosh! Feeling ko namumula na ako. Yung boses ng tawa niya shet! Nakakainlab. He has a gentle manly voice na medyo husky.
"ang cute pala ng boses mo". Rinig ko sa kabilang linya. Umalik-lik parin ito.
"h-hindi nuh, boses lalake nga". Hindi ko alam bakit ako nabubulol sa kanya. Kahit na nag v-coice message kame noon pero hindi naman ako masyadong nag se-sent ng voice message. 3 times palang akong naka sent ng voice message samantalang siya medyo madami na at puro kanta niya.
"ginagawa mo?". Tanong niya sa akin sa kabilang linya. Shet! Hindi kona kaya ang kilig ko. This is too much!
"Azura?". Tawag niya sa pangalan ko dahil hindi ko siya sinagot. Kase naman hindi ko siya masagot parang nahihiya akong magkaroon ng pagkakamali sa bawat sasabihin ko. Napailing nalang ako nang matanto kong hindi ko dapat ipahalata sa kanya na kinikilig ako.
"pasensya na ha, busy kase ako. Siguro mamaya nalang".Pagsisinungaling ko. Sana mabenta.
"ah ganun ba, sige. I'll call you later". Hindi ko alam kung nagiimagine lang ako o talagang disappointed ang boses niya. Nang pinatay ko na ang tawag napahawak nalang ako sa dibdib ko at hindi tumitigil sa kakangiti na parang baliw. Para akong nakuryente sa loob.
Oh may ghash! Oh may ghash!
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko ngunit napakilig ulit. Shet! Hindi ko mapigilan ang sarili ko. I'm already crazy in love with the stranger.
Kailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko bago siya kausapin sa tawag.

BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Teen FictionA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...