[94] Azura

32 3 0
                                    

Huminto na ang sasakyan at lumabas na kami ni Killian sa kotse.

Namangha ako dahil sa aking nakikita. Hindi ko akalain na mapupunta ako sa lugar na ito parang kailan lang pinangarap kong pumunta dito. Isa itong tahimik na lugar at makikita mula dito ang tanawin ng syudad. Lalo na kapag gabi maganda ang view. Ang lakas ng hangin at malamig kaya napayakap ako sa sarili ko. Ngunit nawala ang lamig nang binalutan ako ni Killian ng malaking jacket.

“malamig dito kaya nagdala na ako ng extra jacket”. Sabi niya matapos pinasuot sa akin ang jacket. Nakita kong nakajacket narin siya

Napansin kong hindi lumabas si Jules mula sa kotse.

“hindi ba lalabas si Jules?”. Tanong ko habang inaayos ang jacket na suot ko.

“aalis siya ngayon bibili ng pagkain..”

Matapos niya yung sabihin umalis na nga ang sasakyan niya.

“babalik lang siya”. Patuloy ni Killian.

Humakbang na siya at umupo sa lupa na kulay berde dahil sa damo. Tinabihan ko naman siya.

“hindi ka pa ba magaling?”. Tanong ko matapos siyang tabihan.

“bakit mo naman na tanong?”. Balin niya sa akin.

“kase kasama natin si Jules”. Binalin ko ang tingin ko sa harap kung saan kita ko ang tanawin ng buong syudad mula dito.

“pasensya na kung kasama natin siya”.

“hindi ayos lang, mabuti nga yun..” dahil hindi ko alam anong mangyayari pag tayo lang dalawa. Gusto ko iyon sabihin kaso wag na lang.

“bakit?”

“kase baka mahihimatay o ano ba”. Pagsisinungaling ko. Rinig kong suminghal siya.

Tumayo siya at tumungo sa likod ko. Sinundan ko naman ito at nakita ang mga gamit. Hindi ko yun napansin kanina.

tulungan mo ako dito sa tent”. Sigaw niya.

Ha? Mag t-tent kami.

“gagabi tayo dito?”. Tanong ko matapos tumayo.

“oo, wag kang mag alala humingi na ako ng permiso..”

“permiso?nino?”

“sa nanay at tatay mo”

Nagulat ako sa sinabi niya. Kinausap niya nanay ko? At pumayag? Huh? Paano nangyari yun?

Bigla naman lumabas sa isip ko ang senaryo kung paano siya nagpaalam sa nanay ko. Ugh! Wag mong sabihin sinabi niya na boyfriend ko siya at lalabas kami ngayon?

ba't parang gulat ka parin dyan?”. Agad naman akong nanumbalik sa katinuan nang marinig ang boses niya.

“sure ka ba?”

“oo”. Sagot niya habang tinatanggal ang tali sa nakatupi na tent.

Tinulungan ko siyang ipatayo tayo ito at ayusin ang mga gamit. May dala rin siyang gitara. Nilapag niya ang blangket sa lupa at doon umupo saka kinuha ang kanyang gitara.

“matagal ko na tong gustong gawin, ang tumugtog ng gitara sa harap mo”. Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

“talaga?”.

“tingnan mo”. Pinatalikod niya ang kanyang gitara at nakita ko ang nakaukit na pangalan dito. 'B<3 A'

“Black and Azura?”. Bulong ko.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon