Buti nalang at nasamahan ako ni Jack ngayon kaya nawala ang pagiisip ko kay Black.
Habang kinukuha ang mga gamit sa plastic bag biglang tumunog ang notification ko. Message na galing sa kanya. Mga paalala niya sa akin. Mga paulit ulit na salita na natatanggap mula sa dating assigned virtual partner ko pero pag galing sa kanya parang bago ito sa akin at hindi ako nagsasawa.
Ito na ang huli
nating virtual
act diba?Yeah.
So may plano ako.
Ano?
Sa bawat plano niya kinakabahan ako. Dahil isa nanaman ito sa mga strategy niya na kahit alam kong hindi totoo hindi ko maiintindihan ang sarili ko ba't masaya ako.
Put your hand in the air.
Tell me what clothes
you're wearing.
Sent half of your body.Gaya nang sabi niya inangat ko ang braso ko at pinicture ko ang buong katawan ko at nag crop ng mukha ko. Sinent ko ang picture sa kanya. Syempre ang background ko ay isang white plane pader lang. Ganun dun siya.
Bale sa picture niya hindi buong katawan. Dahil hindi nakasama ang paa niya hanggang sa bewang at leeg lang niya ang litrato. Hindi siya payat at hindi rin siya mataba sakto lang ang katawan niya at maputi ito, mukhang gwapong lalake siya sa katawan niya kaya napangisi nalang ako sa ideyang iyon. Nakita ko rin ang kamay niya, medyo maugat ngunit maganda naman ang kamay niya. Ewan ko ba lahat nalang siguro sa kanya maganda sa mata ko. Naka-tshirt black ito na may printed na 'Your name?' at hindi ito masyadong kita dahil faded ang kulay ng printed name At sa baba nito ay may kung anong ibang printed pa.
What? Is he asking my name? Bat niya tinanong? O baka iniisip ko lang yun? Imposible naman siguro tanungin niya yun sa akin diba? Pakiramdam ko bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ko mapigilan ito kaya napahawak nalang ako sa dibdib ko.
Hindi ko maalis ang tingin sa damit niya. Ngunit agad naman akong nag back at bumalik sa convo namin.
Anong gagawin
natin sa picture?Simple lang.
Dahil nakita mo
ang damit ko
umpisahan natin ang
virtual act natin at
gaya ng dati iisipin
nating magkasama
tayo. Para maimagine
mo talaga na
magkasama tayo kaya
nagpasent ako.Gaya nang sabi niya nagsimula na ang virtual act namin pero hindi ko yun inimagine. Sinasabay ko lang ang mga sinasabi niya pero hindi ko ginagawa. Hanggang sa umabot na ang chat off. Nagpaalam na kami sa isa't-isa.
Good night.
Bukas ulit. Wag kang
magpapapuyat ha.
I love you!! (heart emoji)Love you, ikaw din.
Good night. See you
in my dreams.Chat has been off.
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Fiksi RemajaA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...