[93] Azura

40 4 0
                                    

Habang nakaupo si Killian sa kama niya at ako naman sa upuan ikinwento ko sa kanya ang tungkol sa mga nangyari sa akin at pati narin sa mga  pagtatagpo namin nang hindi kopa siya kilala. Lahat yun ikinwento ko sa kanya.

“Naalala ko na”. Sabi niya matapos kong ikwento ang tungkol sa pagtibok nang puso nung una ko siyang nakita.

“kaya pala, hindi maalis ang mata ko sayo nun”. Ngisi niyang sabi. “hindi ko akalain nag k-krus na ang landas natin nang hindi nalalaman”

“kaya nga pero ngayon magkasama na tayo. Wala nang batas ng laro sa pagitan natin  ”

Ngumiti siya nang marahan at hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya pa ang palad ko. Inangat niya ito at hinalikan ang likod ng palad ko.

“I love you”. Bulong niya matapos dampian ng halik ang kamay ko.

“stop saying that mawawalan ng meaning”. Sabi ko. Ito ang paulit-ulit niyang sinasabi sa tuwing nag a-I love you ako sa kanya noon.

“hindi lang ako makapaniwalang nahahawakan na kita ngayon at nakikita. Parang kailan lang iniimagine lang kita. Mas maganda ka pa pala sa personal kesa sa imagine ko. ”

Pakiramdam ko namumula yung mga pisnge ko. Kaya umiwas ako nang tingin.

“ahh.. I-ikaw din naman g-”. Shet! Ba't diko masabi?. Nang magtama ang mga mata namin parang nanghihikayat ang mga mata niya na sabihin ko yun.

"ano?". Ngumiti siya habang nilapit ang mukha niya sa akin  kaya mas lalo akong umiwas ng tingin. He's so close. Kahit na nakayakap ko na siya pero parang iba to ngayon kinakabahan ako lalo sa tuwing nilalapit niya ang mukha niya sa akin at kinukulit ako. Kaya yumuko ako, laking gulat ko nang binaba niya ang kanyang mukha para makita ang mukha ko. Napansin niya ata iyon kaya agad niyang nilayo ang sarili.

“sorry, kung nagulat kita”
Ingangat kona ang tingin ko at umiling. Ang tanga ko talaga! Ba't hindi ko pa masabi ang mga katagang iyon?

“hindi ka parin ba komportable sa akin?”. Tumingala ako sa kanya.

“h-hindi ano kase, minsan nahihiya parin ako”. I said with hesitance.

“wag ka nang mahiya”. Tawa niyang sabi. Marahan akong tumango.

“so, anong gusto mong sabihin kanina?”

I clenched my lips.

“hindi ko din inaasahan na g..gwa..” napansin kong gusto niya nang tumawa pinipigilan niya langa. “gwapo ka!”. Agad akong napayuko matapos sabihin iyon.

“oh, bakit parang napipilitan kalang sabihin iyon?”. Mahina niyang tawa.

“hindi, ano..ano kase nahihiya ako”. Magalang kong sabi.

“wag ka na kaseng mahiya, okay?”. Ngumiti siya sa akin at pinatong ang kanyang kamay sa ulo ko. “gusto ko kausapin mo ako tulad sa kung paano mo ako kausapin sa VR..yung jolly, maingay..yung bumabanat at yung nagsasabi ng ackkk! Pag kinikilig” natawa ako nang sinabi niya ang ‘Ackk’ dahil umakto pa ito na parang sinakal.

“ngayon lang kitang nakitang tumawa”

Napatigil ako. Hindi na ako yumuko dahil gaya nang sabi niya hindi ako dapat mahiya. Ngumiti nalang ako.

Matapos ang ilang minuto dumating nanaman si Jules para ihatid ako sa bahay. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at bukas babalik nanaman ako dito.

Hindi pa siya makabalik sa eskwela dahil hindi pa daw kaya ng katawan niya. Kahit hindi talaga kami nagkasama ng matagal ngunit na enjoy naman ako na kasama siya.

Bawat sandali na kasama ko siya lahat iyon binibigyan ko nang halaga.

...........................

“pupunta ka nanaman sa kanya ngayon?”. Nguso ni Ruth. Tumango ako. Sabay kaming apat naglalakad papunta gate. Tumungo ako sa harapan niya.

“palagi ko naman kayo nakakasama eh, siya kase hindi maka alis ng bahay”. Sabi ko at ngumiti lang. Binalin ko rin si Jack. “sorry ha, pero babawi ako sa susunod”

“ayos lang naiintindihan ko”. Si Jack. Hinawakan kona ang kamay ni Ruth at naglakad na papuntang gate. Sinabi kase ni Ruth na mag f-food trip daw sila pero tumanggi ako dahil pupuntahan ko si Killian.

Ito ang pangatlong araw na bisita ko sa kanya. Napatigil ako nang makita ang kotse ni Jules sa labas ng gate.

“diba siya yung boyfriend mo?”. Turo ni Ruth sa lalakeng nakasandal sa kotse ni Jules. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa nakita ko siya ngayon. Bakit siya nasa labas? Magaling na ba siya?

Nakaporma pa siya at napaka-gwapo niya ngayon. Naka black polo siya at pantalon. Naka unbutton pa ang unang butones niya sa polo kaya kita ang collarbone niya at naka suot pa ito nang shade glasses. Napansin kong maraming nakatingin sa kanya.

“hinihintay kana Amalie”. Rinig kong sabi ni Jack. “mukhang may date ata kayo”. Dagdag niya.

Date? Oo, kinilig ako pero magaling na ba siya? Ginamit niya ang kotse ni Jules kami lang ba dalawa ngayon. Bumibilis nanaman ang puso ko sa ideyang kami lang dalawa sa kotse kahit na palagi ko siyang nasosolo sa kwarto niya pero parang iba din na kasama ko siya sa byahe.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa maka alis na kami ng gate. Nakita kong bumalin siya sa akin at umayos ng tayo.

“aalis na ako Ruth, Jack, Lj.. Babawi ako sa susunod ”. Tumango sila at tumakbo na ako papunta sa kanya.

“Musta”. Sabi niya nang makarating na ako sa kanya. Humingal muna ako bago sumagot sa kanya.

“ayos lang”. Hingal ko.

“ba't ka kase tumakbo”. Sermon niya.

“bakit ka nandito? Ayos kana ba?”. Balin ko.

“gusto ko ako ang susundo sayo pauwi. Si Jules nasa loob ng driver seat kaya dito tayo sa likod”

“huh? Nandito siya?”. Tumango siya. Sumilip ako sa loob at buti nalang naka bukas ito. Nang makita ko siya kumaway ako sa kanya at ngumiti. As usual hindi siya palangiti at tumango lang siya. Hinarap kona ulit si Killian.

“bakit nakaporma ka ngayon?”. Tinaas ko ang kilay ko.

“kase lalabas tayo”. Ngumiti siya nang nakakaloka. “pumasok kana”. Sabi niya matapos niyang buksan para papasok ako sa kotse. Binalin ko muna sina Ruth na kanina pa pala nakatingin sa amin. Kumaway na ako para magpaalam at pumasok na sa loob. Tumungo naman siya sa kabila at doon pumasok.

Saan kaya kami pupunta?

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

And it always been fast whenever I'm with him.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon