[88] Azura

37 4 0
                                    

September 3, 2020

Ngayon lang ako nag lakas loob na kausapin ang magulang ko tungkol kay kuya at ngayon lang din hindi sila busy. Si mama nasa kusina si papa naman nasa couch nanonood ng news kaya si papa nalang ang nilapitan ko.

“Pa..”

Hindi niya pa ako pinapansin dahil nakatutok ito sa balita.

“si Kuya..” nakita kong natigilan siya at bumalin sa akin. “nasaan po si kuya?” patuloy ko.

“kuya mo? Nasa magandang buhay na iyon wag mo nang intindihin”

“anong ibig niyong sabihin?”

“kuya mo nagtatrabaho at balita ko maganda na ang buhay nun at hindi manlang tayo kinamusta kaya wag mo na rin siyang kamustahin”

Nag-away kase sila ni Kuya bago pa ito lumayas sa bahay namin. Kaya hindi nalang ako nagtanong pa ulit. Humakbang na ako at bigla akong napahinto sa narinig kong balita kaya saglit akong bumalin sa tv.

“isang binatilyo patay matapos ma hit and run nang isa truck dito sa...”

Napayuko nalang ako dahil sa naalala ko ang nangyari noon na muntik na akong mabangga ng truck buti nalang hinila agad ako ni Jack. Bigla nalang ako kinabahan at nanindig ang balahibo habang naalala iyon. Malapit lang din sa amin ang nangyaring aksidente. Pumunta na ako sa kwarto at nakikipag laro sana kay Aki. Nagulat naman ako dahil parang matamlay ito at parang may iniindang sakit.

“may sakit ba sayo?”. Tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako sagutin. Hinahaplos haplos ko na lang ang katawan niya at tumatalab naman ito.

...............................

“paano na?”. Tanong sa akin ni Ruth. Tinutulungan nila akong hanapin ngayon si Black. Dahil sa motor ni Jack ilang beses narin kaming pabalik-balik doon at tinitingnan ang mga tao na tatawid ngunit wala kaming nakita. Dalawang araw na kaming pabalik balik sa lugar na iyon at wala parin akong nakikita. Hindi ko na rin nasasalubong ang grupo ng lalakeng iyon na may kaibigang watcher.

“hintayin nalang talaga nating bumalik yung site Amalie, wala tayong trace niya”. Suhestiyon ni Ruth. Napahawak ako ng mahigpit sa keychain na kanina pa nasa kamay ko.

“tama ka”. Mahina kong sabi. Nilapitan niya ako at hinagod-hagod ang likod ko.

“makikila mo rin siya”. Marahan akong ngumiti sa sinabi niya.

“salamat..” bumalin ako kay Jack. “salamat din sayo..salamat sa inyo”.

..................

9 days after.........

Simula nang tumigil kami sa kakahanap kay Black palagi ko nang nire-refresh ang site at error parin ito.

At ngayon mag t-three weeks na wala parin.

“kailan kaya babalik ang site?”. Bulong ko.

Gusto kong kausapin si kuya pero hindi ko alam paano at saan. Hindi ko rin mahanap ang social media account niya.

“Amalie! May naghahanap sayo”. Sigaw ni mama mula sa baba.

“papunta na po”

Nang makalabas ako sa kwarto sinalubong ako ni Aki.

“Aki!” ngiti kong tawag sa kanya. Aki wiggled with excitement upon seeing my presence. “Hindi ako makipaglaro ngayon” tawa kong sabi at nilagpasan siya. Nasalubong ko si mama sa sala.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon