After One week...
Mamaya pwede na kaming mag usap through voice call dahil mapindot kona ang call buttom sa convo namin. Nasa rules iyon ng game na after first week of second months pwede na kaming mag voice call. Dahil noong nakaraan two times a week lang kami maka sent ng voice message. Tatagal ang voice call hanggang sa matapos ang second month. Pero syempre may schedule.
First exam namin ngayon kaya hindi ko siya kausap ngunit siya naman ang nasa isip ko. Siya naman ay may gaganapin daw palaro next month kaya mag t-try out siya at kalaban nila ang ibang department. Nasa First year college siya ngayon at ako 12 year senior high.
Habang nag-aaral ako sa library isang lalake ang umupo sa harapan ko. Pero hindi ko nalang pinansin. Nakilala kolang siya nang tumayo ito.
Siya si Aldrin. Ang dati kong crush putang ina ba't nakalimutan kong andito pala siya. Yeah, siya ang kaunang una kong crush. Actually nagsimula akong magka-crush sa kanya noong grade 10 kame. Confused palang ako noong grade 9 kame pero noong grade 10 napatunayan kong crush ko pala siya haha. Weird man pero siya lang ang naging crush ko noon. At base sa itsura niya ngayon sa tingin ko hindi parin siya nagbabago. STEM ang kinuha niyang strand kaya siguro hindi ko siya nakikita. Malayo kase ang room namin. Hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya. Agad akong umiling at yumuko ulit para magbasa. Rinig ko naman ang boses niya.
"A-amalie?".
So hindi niya pala ako napansin kanina? Marahan kong inangat ang mukha ko para tingnan siya. Ngumiti narin ako.
"H-hi!" ngiti kong sabi. Nakilala niya pala ako. Well, that's because we're used to be a classmate.
Bumalik siya sa pagkaka-upo at humarap sa akin. Mas lalo tuloy akong nahihiya ngayon. Pero wala na akong nararamdamang pananabik sa kanya dahil syempre hindi kona siya crush. Hindi ko akalain na naging crush ko to. Ganito naman ang iniisip ng iba pag hindi na nila crush ang isang tao.
"dito ka pala nag senior high?". Tanong niya matapos umupo.
"sa nakikita mo oo". Mapang-uyam kong sabi. Bantulot na akong napangiti. Nang makita ko ang mukha niya parang agad ko itong nabasa.
"opx, don't get the wrong idea, kaka transfer kolang at dati ko pang gustong makapag-aral sa eskwelahan na ito and not to go after you". I chuckled while I rolling my eyes. Inunahan kona siya dahil alam niyang naging crush ko siya dati. Napapansin ko kase sa ibang lalake na kapag nalaman nila na crush mo sila hindi ka nila papatulan kundi nagpapafall lang kahit na hindi na natin sila crush nagiging feelingero parin sila.
"you read my mind". Anas niya tapos ngumisi. See?
Nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Habang kinukuha ko ang mga gamit sa mesa bigla naman siyang nag salita.
"masaya akong makita ka dito, aalis narin ako sige. See you when I see you". Huling sabi niya saka umalis na. Kinuha ko na ang notebook at papel ko saka pinasok sa bag.
Sorry but I wish not to see you again.

BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Teen FictionA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...