[17] Azura

40 4 0
                                    

Nang makahanap kami ng available na may apat na upuan saka kami umupo. Kaharap ko ngayon si Jack.

"buti nalang at ngumiti at tumawa kana". Ngiti niyang sabi at ngitian ko rin siya.

"naenjoy kase ako". Mahina kong sabi.

"talaga? Buti naman".

Bumalin ako sa direksyon ng cr at tumingin ulit kay Jack.

"Jack, Cr lang ako ah". Paalam ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo na ako.

Matapos kong mag cr ay lumabas na ako. Sa labas ng cr may sink at tumungo doon saka binuksan ang gripo at may salamin din ito. Habang naghuhugas ng kamay ko. Lutang na pala ako.

"ano? Talaga lang ah"
nagising ang diwa ko nang may narinig akong boses ng mga lalake na galing sa pinto ng cr ng mga lalake. Kaya saglit akong bumalin sa direksyon nila.

"ibigay mona kase yan sa akin~". Parang pamilyar sa akin ang boses ng isang to.

"ingatan mo yan Killian ah"

"oo, akong bahala"

Tumahimik lang sila ng dumaan ako sa pagitan nila.

"execuse me". Sabi ko habang dumaan sa pagitan nila, tumahimik lang sila at tumabi para makadaan ako. Kahit hindi ko nakita alam kong nakatingin sila sa akin pero hindi ko na pinansin. Rinig ko namang nagsalita pa sila ulit ngunit nakalayo na ako. Nakita kong may pagkain na sa mesa at nandoon na din si Ruth at Lj. Kaya matapos kong umupo sa upuan na katabi ko si Ruth at katabi naman ni Jack si Lj.

Matapos ang lahat si Jack naman ang sumundo sa akin. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ko hinarap ko siya at kinuha ang mga binili ni Ruth para sa akin at mga pasalubong narin daw para sa mama ko.

"salamat sa pagsundo". Ngiti kong sabi sa kanya.

"ayos lang, paano mauna na ako".

"sige, salamat. Mag-ingat ka sa daan".

Naglakad na siya at hindi muna ako pumasok sa loob hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo saka pa ako pumasok sa loob.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon