Nang magising ako ay nakaramdam ako ng pananakit sa ulo ko. Uminom pala ako kagabi. Hindi muna ako dumilat. Mga ilang segundo lang nakaramdam ako na lumundo ang kama kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nang tuluyan ko nang namulat nakita ko si Ruth na parang gulat na nakatingin sa akin na para akong multo sa harapan niya.Bumangon na ako at kinusot ang mata ko bago siya hinarap.
"oh ba't parang nakakita ka nang multo dyan?". Biro ko sa kanya. Inalis ko na ang kumot sa sa paanan ko at umalis sa kama. Tumayo na ako pero napatigil ako nang magsalita siya.
"i-ikaw si Azura?".
Dahan-dahan ko siyang nilingon.
"anong sinasabi mo?". Pagkukunwari ko.
"sorry Amalie. Hindi ko sinasadya na makita ang phone mo". Nanginginig niyang sabi. Nilapitan ko siya at tumabi sa kanya sa kama.
"shh, hindi ko sasabihin na alam mo". Sabi ko para kumalma na siya. Total alam niya naman, pwede ko nang sabihin sa kanya diba?
"pwede naman akong magtiwala sayo diba?".
Tumango siya sa sinabi ko. Hindi niya naman pwedeng sabihin sa iba dahil paparusahan siya pero hindi ko alam bakit ko yun sinabi siguro dahil may parte sa akin ang gustong sabihin tungkol kay Black?
Nang kumalma na siya saka pa akong nagsimulang magsalita. Sinabi ko sa kanya na ako si Azura at gaya ni Jack hindi siya makapaniwala na ako si Azura. Isa pa naman daw siya sa mga player na nagt-talk shit kay Azura kaya napatawa nalang ako. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Black ngunit wag na lang. Siguro sa tamang panahon.
Matapos kong sabihin sa kanya ang totoo naligo na kami, mamayang hapon pa ako makakauwi sa amin. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang message niya ngunit hindi ko muna binuksan dahil nahihiya ako sa ginawa ko kahapon. Oo, naalala ko ang nangyari kahapon kaya hindi ko muna siya kakausapin ngayong araw
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Teen FictionA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...