Ngayon nasa hallway ako naglalakad. Lunchtime ngayon kaya papunta ako kay Ruth na nasa admin office.
Agad akong manikmat nang may umakbay sa akin. Isang lalakeng hindi ko kilala.
"hello!". Bati niya sa akin. Kilala ko pala. Siya ang classmate ko.
"balita ko, role player karin daw?". Ngiti niyang sabi.
"oo" sagot ko habang inalis ang braso niya sa balikat ko.
"player din ako".
Tapos?
"ah ganun ba, sige punta na ako"
Aalis na sana ako nang magsalita nanaman siya.
"kilala ko sino ka". Napatigil ako at niliko ang katawan ko para humarap sa kanya.
"anong ibig mong sabihin?". Tiningnan ko siya nang seryoso ang mukha at nakangisi lang siya sa akin. Kilala niya na ako si Azura?
Nasa bench kami ngayon. Kasama ko ang lalakeng nakausap ko kanina. Palihim pa akong luminga linga sa paligid baka may makakita sa amin o di kaya may tao sa likod namin para masigurado kong walang makikinig sa paguusapan namin.
Nang makasigurado ko nga na walang estudyanteng malapit sa amin saka ko naman siya hinarap.
"sa tingin mo ba maniniwala ako?". Pagkukunwari ko. Syempre dahil nang sinabi niya yun agad akong naniwala na kilala niya ako.
"oo". He said confidently.
"how can you be so sure?". Anas ko naman.
"grabe, hindi ako makapaniwala na ang Queen of player.." dahil sa sinabi niya ay saglit nanlaki ang mata ko. "ay isa palang maria clara". Tawa niyang sabi.
"anong ibig mong sabihin?". Napakunot ang noo ko.
"maraming nagsasabi na ang Queen of player ay isang babaeng play girl in real life. Ang iba naman sinasabi nila na malandi, bitch, whore, marunong magpaibig, hindi virgin..."
"saan mo yan narinig?!". Bulyaw ko sa kanya.
"you're all worked up means it's true". Ngisi niyang sabi.
"just answer me". Mahinahon kong sabi.
"hindi mo ba nakikita sa community? Since hindi karin active masyado sa community kase never kong nakita ang dummy names mo sa community or sa home ko."
Hindi ko din naman sila masisisi at para hindi ako mainis. Iisipin ko nalang na kapag halimbawa nasa posisyon ko sila, iisipin ko rin ang binansagang Queen of player ay isang bitch.
At tama siya hindi ako palaging active sa mga gang, fam, pagpost ng mga community or ibang mga sisterhood. Kase hindi naman ako pumasok sa VR para lang sa ganun. Kundi sa hiling ko. Makarma man ako bahala na atleast naabot kona ang isa kong goal.
"hindi, kaya wala akong alam, pero narinig kolang na playgirl ang Queen of player sa real life pero yung mga sinasabi mo wala na".
Nakitang ngumiti siya sa akin.
"grabe, bale sa itsura mo hindi ko akalain na ikaw siya"
"role ko kase noon type 3". I said and pressed my lips.
"ah kaya pala". Tumango tango pa siya.
"paano mo pala ako nakilala?"
Pinanlisikan ko siya ng mata at bantulot naman siyang ngumiti.
"nakatulog ka kase sa bench at open ang phone mo nilapitan kita kase magkaklase tayo at para sana magtanong nang biglang may nag flashed sa cellphone mo..hehe"
Umiwas na ako ng tingin.
"hays". Tanging nasabi ko.
"para patas tayo, gusto mo sabihin ko rin yung player name ko?". Hindi ko siya sinagot kundi tinitigan lang siya. "Smerkist"
Nang marinig ko yun mula sa bibig niya bigla akong napatawa ng mahina.
"so lame".
"for someone like you? Yes". Sabi niya.
Akala ko doon na matatapos ang paguusap namin pero hindi pa pala at nalibang din ako sa mga kinikwento niya. Mabait naman pala tong kaklase namin. Nilibre niya pa ako. Sinabi niya sa akin na natatakot siya na ma-assigned siya ng government na maging ka-partner ko. Kaya isa siyang cross player at sinasabi niya na isa si Azura sa mga tinitingilaan niyang Role player ng VR kaya mas lalo siyang natuwa nang malaman niya kaklase niya si Azura at syempre nagulat dahil sa hindi inaasahang totoo kong pagkatao. Nagulat naman si Ruth sa biglaan naming pakipagkaibigan pero syempre iba ang nirason namin kay Ruth.
Matapos ang klase ay umuwi na kami ngunit hindi ko pa chinek ang phone ko. Sabay kaming umuwi tatlo at nagkatuwaan sa daan. Marunong pala siyang magbigay ng comfort zone buti nalang siya ang nakakita ng phone kong nakabukas. Sa susunod kailangan ko nang makasiguro na hindi naka-open ang phone ko bago makatulog sa bench o sa publikong lugar.
Nang makauwi na ako ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at kinuha ang cellphone. Laking gulat ko nang makitang marami pala akong message na galing sa kanya. Hindi ko akalain na mag flood siya ng mga message.
Hindi ba siya busy?
Or baka loner siya in real life? Kaya may time siyang mag flood ng message?
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Teen FictionA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...