Lumapit ang mga kasama ng lalake sa direksyon namin.
“libre mo?”. Rinig kong tanong ng babae.
“hintayin mo ako, bibili lang ako nang juice doon oh”. Turo ni Jack, tumango ako at umalis na siya. Ngayon ako na lamang magisa dito kasama ang isa sa mga watcher pero hindi naman ako kinakabahan. Rinig kong nagkakakulitan pa ang isang babae sa dalawang lalake at si Mel, kumakain ng fishball habang nakatingin sa ibang direksyon. Palihim kong sinundan ang tingin niya at nakita ang dalawang lalakeng nag-uusap na nasa mga limang metro ang layo mula sa amin. Hindi ko alam sino ang tinitingnan niya. Yung lalake bang maputi at gwapo na may hawak na cellphone o yung isa pang lalakeng nakahood at seryosong naguusap sa lalakeng maputi, maputi din naman siya pero mas maputi yung kausap niya dahil tanging mukha at leeg kolang nakikita sa kanya dahil sa jacket niya na may malaking hood. Hindi ko alam kung bakit pero naaattract ako sa lalakeng nakahood. Kahit naka-hood siya attractive parin siya sa mata ko at parang kumirot yung puso ng makitang ngumisi ito. Shet! Ang gwapo niya!
Agad ko naman niliko ang ulo ko pabalik at marahang umiling. Nang sinilip ko yung babaeng si Mel buti nalang hindi niya ako napansin.
May bago na ba akong crush? Pero hindi ko siya kilala. Pero ganito din naman si Ruth pag may nakikitang gwapo kahit hindi niya kilala sinasabi niya sa akin na crush niya yung mga gwapong lalakeng nakikita namin sa daan. Pero hindi naman ako ganun.
Ano ba tong iniisip ko, alam kong mahal ko si Black pero yung ngisi nang lalakeng yun ang nasa isip ko.
Ugh!
“kuya”. Agad akong bumalik sa katinuan nang marinig ko ang boses ng babae na kanina nakikipag kulitan sa dalawang lalake. Maganda siya lalo pa't malapit ito sa akin. Ngumiti siya sa tindero nang inabot niya ang pera. Malayo sila ni Mel na mukhang medyo maarte at masungit.
“tara”. Nabalin ang tingin ko sa gilid kung saan sumulpot si Jack. Ngumiti at tumango nalang ako. Inabot niya sa akin ang isang plastic bottle nang juice kaya kinuha ko ito mula sa kamay niya.
“salamat”
Naglakad na kami at nakita ko ang lalakeng naka-hood. Lalagpas kami sa kanila at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba. Tinapunan ko nang tingin ang lalakeng naka hood at nakatalikod sa amin ang kasama niya. Agad naman akong umiwas nang tingin nang magtama ang mga mata namin. Kaya mas lalong nagloloko ang tibok ng puso ko. Ganito ba ang nararamdaman ni Ruth pag may crush siya na hindi niya kilala? Tsk, it's strange. I feel strange.
Nang malapit na kaming lumagpas sa kanila nakita ko sa dulo ng mga mata kona lumingon siya sa akin hanggang sa nilagpasan na namin sila.
When we passed beside them I could feel my heart can't stop aching and I thought I was about to die of a massive heart attack.
I feel strange, I feel uneasy. Ganito ang naramdaman ko kay Black noon habang kausap siya. No! Hindi ko pwedeng maramdaman to. Hindi ko siya kilala. Mahal ko si Black at si Black lang!
..........................
“ayos kalang ba? Mukhang kanina ka pa tahimik?”. Bumalin ako kay Jack at binigay ang helmet sa kanya. Kinuha niya naman ito. “or iniisip mopa ang sinabi ni Ate kanina?”
Umiling ako. “naalala kolang si Black”. Ngiti kong sabi sa kanya.
“magkikita rin kayo”. Sabi niya.
“Jack...anong nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo yung taong gusto mo?”. Gusto kong malaman kung ano ang naramdaman niya kung bakit niya ako gusto. Kung kasing tulad ba ito nang nararamdaman ko ngayon sa lalakeng iyon. Gaya nang inaasahan ko nagulat siya sa tanong ko.
“ayos lang kung hindi mo masagot, siguro pagod lang ako..”.
“akala ko ma-mamatay na ako sa kaba”. Bigla niyang sabi kaya napatigil ako at dahan-dahang bumalin sa kanya. “sa tuwing nakikita ko siya parang guma-ganda lahat ng paligid lalo na siya. Kahit anong suot niya natatakpan man o hindi ang itsura niya na a-attract parin ako sa kanya, parang kilala siya ng puso ko dahil bumibilis ang tibok nito na parang nagkakarera sa tuwing malapit ako sa kanya o nakikita siya..”
Bigla kong naalala ang lalake kanina.
“gusto ko siyang protektahan at pasayahin sa paraan na tama at alam ko pero kapag ganun ang nararamdaman ko alam kong hindi ko siya gusto..”
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. He's looking at me so intently right now.
“dahil ang ganung pakiramdam hindi paghahanga kundi pagmamahal”
I stunned by his words. Since when did he become a love expert?
Pagmamahal? Yung lalake na iyon?
“there's no such a thing”. I said in disbelief. Dahil hindi ko pwedeng mahalin agad ang lalakeng una ko palang nakita. Or maybe it's...
“then how could you explain yourself?”
“anong ibig mong sabihin?”
“you've been optimistic lately on searching him without any trace..means you love him so much that it almost killed you”. Tinutukoy niya bang insidenteng muntik na akong mabangga?
“I'm talking about love at first sight”. Mahina kong sabi nang nakayuko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya tungkol sa lalakeng iyon baka isipin niya na fall out na ako kay Black dahil hindi mawala sa isip ko yung lalake kanina.
“what?”
“ah wag mo nang intindihin iyon, na curious lang talaga”
“ah ganun ba”
Hinawi ko ang buhok ko at ngumiti.
“maraming salamat sa paghatid at sa lahat”
“handa akong tumulong basta ikaw”
Mahina akong tumawa na pinagtaka niya.
“bakit? Pag iba hindi ka tutulong?”. Biro ko.
“ah tutulong naman, pero iba ka kase alam mo yun..” napakalmot siya sa kanyang batok.
“baliw”. Umalik-ik kong sabi.
“sayo”.
Napawi ang ngiti ko at biglang umiwas ng tingin. Dahil naalala ko si Black bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot.
“ah s-sorry kung nasabi ko iyon”. Nauutal niyang sabi at parang nataranta.
“ay hindi ayos lang. May naalala lang ako” saglit kong sinilipan ang bahay namin na nasa harapan lang. “paano papasok na ako, salamat pala ulit”
“sige, cheer up”
Napangiti ako sa sinabi niya.
“salamat, magingat ka”
Sinuot niya na ang kanyang helmet at sumakay sa kanyang motor. Sumenyas siya sa akin na aalis na bago pinahaturot ang sasakyan. Nang maka-alis na siya saka pa ako pumasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Teen FictionA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...