[90] Azura

37 4 0
                                    

“eh ano naman kung kapatid ako, kapatid lang ako”. Yuko kong sabi.

“oo, kase kapatid ka lang..” mataray na sabi ni Mel. Nahahanap ba siya ng away? “but it's not the case, Amalie you're not only the one”

“anong ibig mong sabihin?”

“anak ako ng Fourth founder ng game”

Laking gulat ko sa sinabi niya.

“pero hindi ako tulad mo”

“huh?”. Taka ko.

“hindi ka lang kapatid..”

“una hindi namin alam na si Amalie at si Azura ay iisa”. Si Jules.

“wait, ano bang pinagsasabi niyo? Just get to the point...”

“you were listed as the fifth founder of the game”. Agad akong napabalin kay Mel.

“ano?!”.

“titigil na sana kami sa kakahanap sayo nang makilala namin ang Heartthrob player. Ang anak ng bagong asawa ng papa niya ay isa sa mga government. May binigyan siyang form na tungkol sa mga government at laking gulat namin na hindi lang dalawa ang tao sa government, yun ang nakalagay pero totoo lima sila. First, your brother. Second ay ang step brother ni Earl third si senador Mendoza, Fourth Ama ni Mel na si senador Romulo..” napabalin ako kay Mel. She give me a half smile. “and fifth is you” patuloy ni Jules.

Nanatili parin akong walang kibo at hindi makapagsalita. Pero bakit first si Kuya? Hindi ko alam paano At bakit?

“sa lahat ng government ikaw lang ang babae and wala kaming idea kung sino ka. At sa list ikaw lang ang walang Apelyido. Amalie lang ang nakasulat at wala rin kaming balak malaman ang tungkol sayo not until we decide to wait the comeback of the site. Though Earl already got what he's after, the site still remained shut down and your system still remain secured unlike the crown princess is already unblock. Hindi namin alam kung bakit naka block parin sayo iniisip namin na siguro dahil alam nilang hahanapin ka ni Killian. September 1..”

September 1?! Yung araw na una kong nakita si Killian?!

“na bored ako kaya binusisi ko ang system sa laptop ni Mel. Nagulat ako dahil ang system na naka pangalang Black ay naka-secure pero ang Kingsley hindi. Sinabi ko sa kanila kaya na curious kami. Hindi pa namin nakausap si Earl nun. Binusisi ng binusisi ko ang system ni Black. Hanggang sa nabukas ko ito. Sayang wala akong nakitang porn videos kaya magback na sana ako dahil akala ko walang kwenta ang system niya pero naisipan kong basahin ang convo niyo at nakita ang pangalan na huling sinent mo... ”

Naalala ko ang huling sinent ko ay ang pangalan ko pero alam kong hindi niya na to nakita dahil sabay naman nitong pag-shut down ng site. Yumuko ako at si Mel ang nagpatuloy sa kwento.

“hindi alam ni Killian na sinent mo iyon at yung pangalan na sinent mo ay kapareho sa nakita naming pangalan bilang fift government...at doon na kami bumalik sa paghahanap sayo out of curiosity. Sa social media maraming kapangalan mo kaya hindi namin masabi sino sa kanila...”

“september 1...” I interjected. “pumunta ba kayo sa street food?”. Patuloy ko.

“oo, bakit? Doon kami nagsimulang hanapin ka” sagot ni Mel. “bakit?”

Napakagat labi nalang ako.

“nakasabay ko kayo doon, ikaw ang naalala ko dahil nga sa may nagsabi sa akin na tulad niyong college din. Doon ko unang nakita si Black naka hood pa nga siya”

“what the fuck? So ibig sabihin nagkasalubong lang tayo?!”. Si Ian.

Tumango ako.

“ugh! Kung alam lang namin edi sana hindi na mangyari kay Killian yan”

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mel.

“bakit?”

“hindi siya kakatigil sa paghahanap sayo lalo pa't alam niya na ang pangalan mo. Dahil pangalan molang ang meron kami kaya nagtanong-tanong kami kahit na sa vendors na iyon tinanong namin. And September 3 naaksidente si Killian..”

Biglang may kumirot sa puso ko kaya saglit kong binalin si Killian na natutulog parin sa kama niya.

“anong nangyari sa kanya?”. Mahina kong tanong

“only Killian won't stop searching you. because he said he made a promise” napayuko ako sa sinabi ni Jules. “lumabas siyang mag isa. 12 noon nagkataon may nang yaring barilan sa lugar na pinagtanungan niya..”

Napasingap ako at napayuko. Naaksidente siya dahil sa akin?! Na g-guilty ako ngayon.

“nabaril siya..sa may tiyan niya”. Agad akong tumingala kay Jules at bumalin sa direksyon ni Killian. Pero bakit siya may bandage sa ulo?. Buti nalang buhay pa siya.

“He has immediately undergone surgery but 2 days in coma..” nakita ko ang lungkot sa kanilang mga mata at si Mel nakasimangot. “when he woke up, he always mentioned your name” mas lalo akong nakaramdam ng emosyon sa loob. “hindi namin alam kung bakit ganun na lang ang pagiging desperado niyang makita ka, sinabi niya din na bago siya mamatay gusto ka niyang makita”. Agad na may tumakas na luha mga mata ko. Nang mapansin yun ni Sheena agad niyang hinahaplos ang likod ko at sinusubukang patahanin. Nakatingin din ng malayo si Mel.

“kaya wala kaming nagawa kundi kami na mismo ang maghanap sayo. Saka pa namin kinausap si Earl tungkol dito nalaman na si Azura ang kapatid ng First government ng game at hindi lang ang fift government pati ikaw rin ang taong hinahanap namin. Luckily may nakilala sayo nalaman namin ang full name mo kaya nakakasigurado kaming ikaw yun dahil magka-apelyido kayo ng first government, si Ethan Garcia” . Patuloy ni Jules.

Marami pa siyang na ikwento tungkol sa nalaman nila at tungkol kay Killian. Sinabi nila sa akin na nang sinabi nila kay Killian na natagpuan na nila ako. Kinausapn sila ni Killian na dalhin ako dito kaya alam niyang dadating ako ngayon. Nalaman ko rin na Doctor ang ama niya sa isang private hospital. At ayaw ni Killian sa hospital kaya dito siya sa bahay nila at may sarili naman siyang nurse na nagaalaga sa kanya. Matagal nang pumanaw ang ina niya na isang Lawyer. Kaya pala walang katao-tao dito sa bahay at ang kasama niya lang liban sa nurse ay ang childhood bestfriend niya na itinuring niya na ring kapatid si Jules. May nakakatandang kapatid si Killian pero nasa state ito ngayon nag ta-trabaho bilang executive director ng isang kompanya. Nalaman kong ang university na pinasukan ni Ate Rose at sa kanila ay iisa. Hindi manlang yan lumabas sa isip ko dahil alam kong malaki ang University na iyon at marami ring college university sa lugar na iyon.

Kinwento ko rin sa kanila ang tungkol sa nangyari sa akin.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon