[16] Azura

40 5 0
                                    

"parang ang tahimik mo ata ngayon?". Tanong sa akin ni Jack matapos niyang tumabi sa akin. Nasa harapan ako ngayon ng mga clothing section. Kunwari may hinahanap na damit na nakasabit sa hanger.

"Bakit maingay ba ako dati?". Walang emosyon kong sabi at hindi rin ako bumalin sa kanya ngunit rinig kong mahinang tawa nito.

"hindi naman sa maingay pero palagi kang nakangiti na parang hindi maisip na malulungkot ka at napakasigla, pero ngayon parang kanina kopa napapansin na ang lalim ng iniisip mo  buti hindi kapa nalunod".

Binalin ko siya at tinaas ang kilay ko.

"it's not funny". I chuckled at bumalin ulit sa mga damit.

"pero tumawa ka kahit hindi naman ako nagpapatawa". Pang asar niyang sabi.

"whatever". Tanging sabi ko.

"parang kanina mopa ata yan tinitignan"

Agad ko namang binitawan ang damit at pumunta sa ibang puwesto. Tumawa naman siya sa ginawa ko. Nagtagal pa kami sa department store hanggang sa dumating si Lj. Matapos sa department store pinasok namin ang mga store na gustong pasukin ni Ruth. Nagbili din siya ng mga keychain para sa amin. Sinusukat ang mga headband, maskara at kung ano ano pa. Buti nalang kasama ko si Jack at hindi ako na o-op sa kasweetan ng dalawa. Dahil sa naenjoy ko ang araw na ito kaya hindi ko namalayan na ngumiti na pala ako. Matapos ang pag shopping ay pumasok kami sa isang fastfood para kumain. Si Ruth at si Lj ang pumila para mag order ng pagkain namin at kami naman ni Jack naghanap na ng mauupuan.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon