[4] Azura

70 6 0
                                    

"aalis na po ako!".

Sigaw ko bago umalis nang bahay. Nang makarating na ako sa gate ng bahay namin kinuha ko ang cellphone ko at nag iwan nang message sa kanya.

Goodmorning bi,
kumain kana
wag kang magpagutom
ingat ka palagi
papunta na ako ngayon
school. Mamaya ulit.
Mahal na mahal kita.
Muah!

Kahit na hindi totoo.

Binulsa ko na ang cellphone at umalis.

Nireply niya ako ng lunchtime na ikinagugulat ko naman.

Nakakangilo.
Haha

.......

Tangina, magtiis lang. Nagpapa-hard to get to ngayon samantalang kagabi panay kwento niya sarili at panay advice naman ako. Hmm, kakaiba siya sa naging virtual partner ko noon parang hindi siya madaling mahulog. Dati kase panay banat ang mga lalake sa akin.

You're mine right?

Yes?

Huh? Anong trip niya?

Okay.

And why is that?
You're acting weird.

Babe.

Hindi ko alam ngunit sa tuwing tinatawag niya akong babe nakakangilo siguro dahil ang lahat nang ito ay laro lamang at kailangan naming magpanggap. Kahit na bihira niya lang akong tawaging ganun.

Yes?

I want you to
call me master.

What?!

Ito ba ang dahilan kung bakit niya sinabing 'you're mine'? Pinangako ko pa naman sa sarili ko na hindi siya tawaging master. Pero dahil laro lang naman to why not just go with the flow.

u said u love me
right?

Yes, I love you
master.

Ugh! Tangina tangina! Ito ba ang totoong siya?!

Tumagal pa ang paguusap namin at buong ginagawa niya ay pinapainis ako. Tapos tawa naman siya nang tawa. Nag sent pa siya ng voice message. Oo, pwede kaming mag sent ng voice message 2 times in a week. Pero doon sa voice message hindi ang boses niya kundi ang tinugtog niyang drum. Sobrang galing niya pala sa pag tugtog ng drum.

Binigyan kami ng tatlong araw bago gawin ang virtual act. Kaya ngayon kung ano anong pinagusapan namin.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon