[57] Azura

40 3 1
                                        

Nanghihina ang mga tuhod ko at tila may sumaksak sa mga puso ko nang paulit-ulit nang mabasa ang sinasabi nang message na nag flash sa screen ko.

You Lost!
From 3 months VR
The game is over!
(tap here to know more)

Hindi ko alam paano nangyari to.  Hanggang sa naramdaman kong nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luha na unti-unting bumubuo sa mga mata ko at kusa nalang itong bumagsak sa pisnge ko dahil hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko.

Nang marinig kong may papasok, agad kong pinunasan ang mga luha ko. Tumungo kase ako sa cr dahil sa nabasa kong message sa akin ng watcher.

Nang makapasok sila sa loob nang cr agad akong pumasok sa cubicle at umupo sa nakatakip pero malinis na bowl. Tahimik akong humahagulhol sa iyak sa loob ng cubicle.

Paano? Paano??? Kanina lang masaya kami. Paano nangyari to? Niloloko lang ba niya ako para matalo ako? Pero akala ko ba totoo? Kala ko mahal niya rin ako?! Pero sabagay hindi ko naman hawak ang isip niya bakit ako nagpapaniwala sa kanya. Ibig sabihin hindi niya talaga ako gusto? Ang sakit. Ang sakit nang nararamdaman ko. Karma ko na ba to?

"hindi ko nga alam eh".

Rinig ko sa mga babaeng pumasok kanina.

"natalo daw si Azura". Rinig ko pa sa isa.

Paano nila nalaman?

Pinunasan ko ang mga luha ko. Kinuha ko ang cellphone ko habang humihikbi parin at pumunta sa site ng VR. Pumunta ako sa community at laking gulat ako sa nakita kong top announcement na makikita sa pinakataas ng  community.

The fallen of Queen player.
Azura's defeated . Queen my ass! Serves you right!

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Walang nakalagay kung sino nag pinned ng announcement na ito. Nakita ko ring 200+ comment. Am I that famous?

Tumigil na ako sa pag-hibik. Pero nanatili parin ako sa cubicle hanggang sa hindi na halata na umiyak ako.

Sa buong oras occupied ang utak ko at nakatitig lang sa screen ng cellphone ko.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon