Next Day.....
Nang makalabas na ako sa gate agad akong tumungo sa kotse ni Jules at pumasok.
“musta?”. Bati niya sa akin.
“ayos lang naman”.sabi ko sabay seatbelt.
“kailangan na nating magmadali, kanina pa tayo hinihintay ni Killian”
Nagulat ako sa ilang araw niyang pagsundo sa akin, ngayon lang siya nagmamadali.“ah hmm”. Tumango na lamang ako at sinimulan niya nang magmaneho.
Napansin kong ibang daan ang tinungo niya.
“ah Jules, saan tayo pupunta?”.
Sinagot niya ako ng hindi bumalin sa akin.“shortcut”
“ha? Ngayon mo pang maisipang mag shortcut?”
“oo”
Tumahimik nalang ako. Nakakapagtaka dahil mga ilang oras na kaming nasa biyahe at lumulubog narin ang araw at mukhang nasa ibang lugar pa kami. Bumalin ako sa kanya ngunit bago pa ako makapag-salita inunahan niya na ako.
“We're here”
Ramdam kong tumigil ang sasakyan. Tiningnan ko ang labas hindi ako familiar sa lugar na ito.
“nasaan tayo?”. Balin ko sa kanya.
“sa lugar kung saan nandoon si Killian”
Yun lang ang sinabi niya tapos inalis na ang seatbelt at umalis sa kotse. Napalabi na lamang ako at umalis narin sa kotse. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Isang private resort.
Nakita kong naglakad na si Jules, hindi niya man lang ako hinintay! Binilisan ko ang paglakad para humabol sa kanya.
Tumambad sa akin ang isang swimming pool. Pagka-tingin ko sa harap wala na si Jules. Kaya kinabahan ako. Nasaan na siya? Hinanap ko siya gamit ang mga mata ko ngunit kahit kaluluwa niya hindi ko nakita.
Hanggang sa may narinig akong musika. Nagsisimula nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Sinundan ko ang musikang iyon. Ramdam kong malapit na ako sa kinaroroonan ng musika dahil lumalakas na ito.
“When I first saw you I saw love...” rinig kong kong boses niya bago kopa siya nakita. “and the first time you touch I felt love.. and after all this time you're still the one I love...mmhh yeah”
I was taken aback when I saw him dahil nakatayo siya sa isang mini stage habang may nakatapat na microphone sa bibig niya at gitara naman sa kamay niya. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko nang may gumuhit na ngiti sa kanyang mapula at mapang-akit na labi. Kahit na medyo malayo ako sa kanya. I found him sexy and hot, maybe because he's wearing a white polo while showing off his upper chest and messy hair. Hindi narin nakababa ang mga bangs niya tulad nang palagi kong nakikita sa kanya. Napakagwapo niya ngayon.
“looks like we made it
Look how far we've come my baby
We might a took the long way
We knew we'd get there someday”Habang kumakanta siya nakapako naman ang kanyang mga tingin sa akin na parang ako lang ang nakikita niya.
“they said, ‘I bet they'll never make it’
But just look at us holding on
We're still together still going strong”Habang kinakanta niya ang chorus. Nilibot ko naman ang tingin sa paligid bago lumakad papalapit sa kanya. Marami palang petals sa lupa at mga lights na nakapalibot sa coconut tree. Dumapo din ang tingin ko sa maliit na mesa na may napkin, dalawang plato, kandila na nasa gitna at saka bulaklak. Binalin kona siya ulit nang makarating na ako sa kinaroroonan niya.
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Подростковая литератураA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...