[21] Azura

44 5 0
                                    

Matapos akong bumili nang curls umakyat na ako ulit at laking gulat ko nalang na may red horse na sa mesa. Tinanong ko si Jack saan galing at sinabi na mula kay John ito. Binili niya pala kanina hindi ko namalayan. Pero naka uniform kami baka may mag report sa amin at patay ako nito kay mama. Hindi pa ako uminom.

"ayos lang hindi naman tayo maglalasing dito. Ilagay natin sa mga tumbler matin para hindi bisto".  Sa tono nang pananalita niya parang sigurado talaga siya sa sinasabi niya. Tumanggi ako syempre pero dahil mga demonyo tong mga kaklase ko nilagyan nila ang tumbler ko at dahil medyo madilim kaya hindi ko masabi kung anong nasa loob sinabi ni Enie na coke daw kase nakita kong may hawak siyang coke kanina. Nang iniinom ko ito napaluwa nalang ako at tumawa naman sila. Pinilit nila akong ituloy ang ininom ko at sa tingin ko makakatulong rin to para hindi kona isipin ang tungkol kay Black dahil nagsasawa na ang utak ko sa pagiisip sa kanya at ayaw ko rin mas lumalim pa ang pagiisip na iyon at baka mahulog na talaga ako.

"uminom kana, uminom kana" tulak sa akin ni Kael. Pinigilan naman siya ni Jack pero uminom na ako nagsitawanan naman sila. Napangiwi ako sa lasa. Eto ba ang kinaa-adikan nila?! Katabi ko ngayon si Jack at pansin kong kanina pang nakatitig sa akin na may pag-alala sa kanyang mukha.

After drinking countless times, I'm starting to get a little tipsy.

Dahil pakiramdam ko umiikot na ang paligid kaya pinahinga ko lang ang ulo ko sa mesa at pumikit. Rinig kong nagsikantahan parin sila at nag-iingay. At tinutukso pa ako ni Male dahil lasing na daw ako.

Matapos ang mga kasiyahan nila ay naisipan na naming umuwi. Tinulungan ako ni Jack maglakad pababa at pati narin sa daan. Sinabayan niya rin kami hanggang sa makarating kami sa bahay ni Ruth.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon