Nasa infirmary room ako ngayon dahil sa sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Wala akong gana at mukhang hindi ko kontrolado ang sarili ko ngayon. Imbes na isipin na hindi ako naapektuhan ngunit napakahirap magpanggap lalo pa't masakit parin at kahit anong pagpanggap ko wala paring magbabago.
Nakatagilid akong humiga sa kama at nakabalot nang kumot.
Minulat ko ang mata ko nang marinig kong tumunog ang notification ng cellphone ko. Ngunit hindi ko ito pinansin. Nasa mesa ang cellphone ko at nakatalikod ako ngayon sa mesa na iyon. Isasara kona sana ang mga mata ko nang marinig kong nag ring ang cellphone ko. Inis ako kinuha ito at sinagot ang tawag ni Jack.
"nasa infirmary kapa rin ba?". Tanong niya sa kabilang linya.
"oo, bakit?".
"pinapasabi niya na pupunta siya dyan mamaya may dalang pagkain".
"sige. Salamat". Tanging sabi ko at nagpaalam na kami sa isa't-isa at pinatay ang tawag.
Matapos kong patayin ay agad na nagflash sa screen ang message na galing sa VR.
Your VR game
with Black Wright
has been resumed!
You can now play your role together.
1 month left before game end.
_____________________________
Decline|AcceptAno bang nangyayari?! Hindi ko alam anong ire-reak ko. Pero masaya ako dahil na resume ito pero bakit? Paano? Naguguluhan ako sa nangyari kaya pinindot ko nalang ang Accept. Agad ko namang nakita ang mga flood message ni Black kaya gusto ko nanaman umiyak habang binabasa iyon, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya. Aaminin ko napaka iyakin ko kahit na sinasabi kong 'my tears aren't that cheap'.

BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Fiksi RemajaA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...