[47] Black

36 5 1
                                    

"pansin kong ang lalim ng iniisip mo kanina?". Tanong ni Mel mula sa likuran ko. Hinarap ko siya bago sumagot.

"napansin mo pala?". Tugon ko.

" ofcourse, because I'm just infront of you.."

"or more like your eyes always glued to me?". Biro ko saka tumawa kahit totoo naman. Palagi ko rin napapansin na sa akin ang atensyon niya. Tulad nalang ngayon. Siya lang ang nakapansin sa akin na nandito ako samantalang ang iba siguro hinahanap na ako kahit nandito lang ako sa balkonahe nang tambayan namin.

"huh, how can you be so certain?". Ngisi niya.

"next time, try to be more subtle"

"well watever, you're avoiding my question. Aren't you?". She made it sound like she's right.

"I'm not avoiding anything". tugon ko.

"well, if you say so. Look Killian. I just don't want you to get attached to her.."

"ilang beses kona ba narinig yan mula sayo sa lahat ng mga naging assigned virtual partner ko?". Seryoso kong sabi sa kanya. Naiirinda na kong marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Palagi nalang. Halos lahat na siguro ng mga naging assigned virtual partner ko pinapakeelaman niya at siya palagi ang watcher.

"I'm sorry but I think this one is different". Mahina niyang sabi. Napahinto ako sa sinabi niya at dahan-dahan siyang nilingon.

" anong ibig mong sabihin?"

"hindi ko alam pero sa tingin ko nahulog kana sa kanya". Umiwas siya ng tingin sa akin.

Gusto kong sabihin sa kanya na Oo pero naduwag ako. Dahil hindi ko maamin na nahulog na ako kay Azura. Ayaw kong sabibin sa iba na nahulog na ako nang hindi nalalaman ang totoo niyang nararamdaman tungkol sa akin.

"don't worry it's not what you think.." napatigil ako nang maalalang siya pala ang watcher namin. Kaya niya siguro naisip yun. Ibig sabihin napapansin niya ang mga bawat galaw ko. "hey, you're assigned to be our watcher right?". Tanong ko sa kanya.

"don't worry, you have a privacy. Hindi ko binabasa ang convo niyo"

"hindi ko alam kung maniwala ba ako o hindi". Tumalikod ako sa kanya.

"it's up to you kung maniwala ko o hindi. Basta hindi ko binabasa ang convo niyo. Hindi naman sa watcher ako ibig sabihin binabasa kona ang convo niyo. Yan ang pinapaniwalaan ng ibang player na binabasa namin ang convo nila dahil yun ang nakalagay sa guidelines. In fact hindi naman talaga. Duh! Hindi lang isa ang binabantayan ko kundi 20 virtual couple. Nag a-alarm lang ako sa name at identity. Pag naka sent kayo ng mga words na may warning o salita na bawal sabihin including names, identity or asking about identity a-alarm ang pangalan niyo sa pc or laptop ko at saka kopa mabasa ang convo niyo..."

"nakita mo na ba ang thermometer namin?". I interjected. Umiling siya.

"since nandito naman na ang laptop mo. Can I see it?". Nagisip pa siya bago tumango. Gusto kong malaman kung nagkagusto narin ba sa akin si Azura at kung oo wala na akong pake kung makita kong nasa 100 na sa akin basta pareho kami.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon